![]() |
Magtiwala sa proseso ng Dios |
Sa mga huling araw na ito, ikaw ba Kristiyano ay nagtitiwala parin sa proseso ng Dios?
Kung titignan mo ang paligid, kung daramhin mo ang nangyayari sa buhay mo, sa pamilya mo, at sa mundo, nagtitiwala ka pa rin ba sa proseso ng Dios?
Ano ba ang nangyayari sayo sa kasalukuyan? Yan ba ay naghahatid sayo upang pagkatiwalaan mo ang prosenso ng Dios o hindi?
Sa katotohanan, kapag mabuti o maganda ang nangyayari saatin, madali para saatin ang magtiwala sa proseso ng Dios. Ngunit, kapag hindi mabuti ang nararanasan natin hindi natin mapaniwalaan ang preseso ng Dios sa buhay natin.
Tulad tayo ng maraming Kristiyano na kapag hindi mabuti ang nangyayari sa paligid ay gumagawa ng paraan para anomang panget na nangyayari sa atin at sa ating paligid ay mapalitan ng mabuti at maganda.
Yung tipong naaayon sa gusto natin. Kahit na alam natin ang pangako ng Dios sa bawat isa saatin, we want to get out in a situation that we don't want to continue to be in.
Tulad ng ginawa ni Abraham at Sarah.
Ang Diyos ay may malaking plano para sa mag asawang Abraham at Sarah. Genesis 17:19 "Hindi kundi ang iyong asawa na si Sara ay magkakakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang anak na Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya."
Genesis 18:10 "At sinabi niya, Walang salang di ako babalik sa iyo sa ganitong panahon ng taong darating; at narito't si Sara na iyong asawa ay magkakaanak ng isang lalake. At narinig ni Sara sa pintuan ng tolda, na nasa likod niya."
Sa katotohanan ang mag asawang ito ay naniniwala sa makakayang gawin ng Panginoon. Para sa kanila anomang sabihin ng Dios ay mangyayari!
Walang mapapalya sa salita ng Dios!
Dahil noon pa man ang Dios ay Dios na ng lahat ng possible. Makapangyarihang Dios!
Ngunit, ang mag-asawang ito ay gumawa ng hakbang upang mangyari ang sinabi ng Dios. Anong ibig kong sabihin? hindi nila hinintay ang proseso ng Dios.
Ano ba ito?
Si Sarah na dating Sarai ay babaing hindi manganganak at walang kakayahan upang manganak. Siya ay baog Genesis 11:30 "At si Sarai ay baog; siya'y walang anak."
Genesis 18:11 "Si Abraham at si Sar nag'y matanda na, at lipas na sa panahon; at tinigilan na si Sara ng kaugalian ng mga babae." at sa panahon na sila ay matanda na sila ay sinabihan ng Dios na si Sarah ay maglilihi at magdadalang tao. Genesis 18:10 "At sinabi niya, Walang salang di ako babalik sa iyo sa ganitong panahon ng taong darating; at narito't si Sara na iyong asawa ay magkakaanak ng isang lalake. At narinig ni Sara sa pintuan ng tolda, na nasa likod niya."
Hindi ba't tumawa pa nga si Sarah nang sabihin ng Dios na siya ay magdadalang tao Genesis 18:12 "At nagtawa sa Sara sa kaniyang sarili na sinasabi, 'Pagkatapos na ako ay tumanda ay magtatamo ako ng kaligayahan, at matanda na rin pati ng panginoon ko'".
TANDAAN: Si sarah ay hindi tumawa sa pagkakataong ito dahil sa hindi paniniwala sa sinabi ng Dios, bagkus, siya ay natawa sa pagiisip na siya ay matanda na at sa katotohanang sa kanilang panahon ay wala pang nangyayari ganoong bagay.
Ngunit, nang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng anghel ng Dios, Genesis 18:10, na siya ay manganganak sa sinabi ng Dios na panahon, ikinaila ni Sarah na siya ay tumawa dahil sa takot. Sa talata 15 ng Genesis 18. Ang salitang takot rito ay nangangahulugan ng "paggalang" sa Dios na nagsalita.
Ang mag-asawang ito, kahit alam nila ang pangako ng Dios. At alam at kilala nila ang Dios na nagako sa kanila ay HINDI SILA NAGHINTAY SA PROSESO NG DIOS SA KANILA.
Sa paanong paraan?
Genesis 16:1-4
Ibinigay ni Sarah ang kaniyang alipin na si Hagar na isang taga-Egipto upang mapangasawa ni Abraham, at siya ay nagdalang tao.
TANDAAN: BAGO ITO MANGYARI (ibigay ni Sara si Hagar kay Abraham upang mging kaniyang asawa) AY IPINANGAKO NA NG DIYOS KAY ABRAHAM NA SIYA AY GAGAWING ISANG MALAKING BANSA. Genesis 12:2 "Ikaw ay gagawin kong isnag malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain,at pagdadakilain ko ang iyong pangalan,; at ikaw ay magiging isang kapalaran."
Ito ba ang nais at ipinangako ng Dios?
Genesis 15:2-3 - ito ang sinabi ni Abraham sa Panginoon nang ang Panginoon ay nagpakita sa kaniya sa isang pangitain.
Sa tanong na ito ni Abraham, ang Dios ay sumagot sa kaniya. Genesis 15:4 "At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsasabi, 'Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo, kundi lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo" . Maliwanag na sinabi dito ng Panginoon na hindi sa isang alipin mang-gagaling ang tagapagmana kundi sa kaniyang asawa mismo na si Sara.
Anong ibig sabihin? Hindi sa isang anak sa labas ibibigay ng Dios ang mana na ipinangako kay Abraham kundi sa anak nila mismo ni Sarah (yamang siya ay tinuturing na LEGAL WIFE).
Ngunit, sa kabila na pagkaalam ni Abraham nito ay hinayaan niya na ibigay ni Sarah ang kaniyang alipin na si Hagar. Genesis 16:2 "At sinabi ni Sarai kay Abram, 'Narito, ngayon ako'y hinahadlangan ng Panginoon na ako'y magkaanak; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking alilang babae; marahil ay magkakaanak ako sa pamamamagitan niya. At ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa niya."
natuwa kaya ang Dios sa bagay na ito? Kung ikaw ang tatanungin natuwa kaya ang Dios sa ginawang ito ng mag-asawa?
Kung ako ang tatanungin, ang sagot ko ay HINDI.
Hindi natuwa ang Dios sa bagay na ito bagkus ikinalungkot ng Dios ito, bakit? ito ay pagpapakita ng mag-asawa ng 3 bagay:
1. Hindi paghihintay sa gagawin ng Dios
2. kakulangan ng pagunawa sa proseso ng Dios.
3. Pangunguna sa kalooban at proseso ng Dios.
IKAW BA AY NAGHIHINTAY SA PROSESO NG DIOS?
Sa katotohanan, marami sa atin ang ayaw sa tinatawag na proseso.
Bakit? mahirap at matagal ang tinatawag na proseso.
Kadalasan ang nangyayari saatin ay hindi pa natin maunawan . Tama ba? Katulad ng mga-asawang Abraham at Sarah, di nila maunawan ang proseso ng Dios kaya naman gumawa sila ng hakbang upang pangunahan ang proseos ng Dios.
Hindi ba't ganyan ang marami saatin, hindi matiis ang proseso ng Dios dahil mahirap at matagal kaya naman gumagawa ang marami saatin ng hakbang upang mangyari ang ipinangako ng Dios sa ating buhay.
Ngunit, ito ay maling paraan.
TANDAAN: ANG PANGUNGUNA SA PROSESO NG DIOS AY MAAARING MAGDULOT SAATIN NG MALAKING PROBLEMA.
Si Sarah ay nagkaroon ng malaking problema nang ibinigay niya si Hagar. Sa katotohanan si Hagar ay naging tinik niya sa laman! Hindi niya alam ang gagawin sa kaniya diba? Wala siyang ibang naging solusyon kundi ang saktan at pahirapan ito. - ito ba ay kalooban ng Dios? - HINDI!!
Tayo rin sa hindi natin paghihintay sa proseso nang Dios na mangyari saatin ay mahahatid tayo sa malaking problema na hindi natin kakayaning lusutan ng hindi ka gagawa ng bagay na ayaw ng Dios.
ANG PANGUNGUNA SA PROSESO NG DIOS AY PAGPAPAKITA MO NA ANG IYONG KARUNUNGAN AY HIGIT PA SA DIOS.
Alam natin na ang Dios ay maalam at marunong sa lahat. Amen?
Ngunit sa oras na pangunahan mo ang Dios sa prosesong ginagawa niya sayo, ikaw ay nagsasabing masmaalam at masmarunong ka pa sa Dios.
Isa pa, ito ay pagpapakita ng hindi natin pagkaalam at pagkaunawa sa proseso ng Dios.
Kung ating babasahin at uunawain ang Biblia at ang mga nangyari sa lahat ng mga mananampalataya ng Dios, ang proseso na kanilang pinagdaanan ay hindi madali at hindi mabilis.
Halimbawa:
A. Ang bayan ng Dios na naglakbay ng 40 years sa ilang.
B. Si Jacob na simula ng siya ay pumunta sa kaniyang tito Laban hanggang sa siya ay tawaging Israel. Mahigit 14years!
C. Ang mag-asawang Abrahama at Sarah. Genesis 12:4 "Kaya't yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon; at si Lot ay sumama sa kaniya: at si Abram ay may pitong pu't limang taon, nang umalis sa Haran." Natupad ang pangako ng Dios na sila ay magkakaroon ng anak ng siya ay 100 years old. 25 years ang prosesong ginawa ng Dios sa kanila.
TAYO AY NASA PROSESO DIN NG DIOS.
Tayo ay nasa proseso din ng Dios kung gaano katagal ay nung nagsimula tayong kumilala, sumamaalataya, at tumanggap sa Panginoong Hesus bilang ating sariling tagapaglogtas.
Habnag tayo ay na takbuhin na initang ng Dios sa ating upang takbuhin ay mananatili tayo sa proseso ng Dios.
Gaano kahirap? tulad nito ay pagdaan ng isang ginto sa apoy na may seven times na init, layunin upang matanggal anomang dumi at hindi totoo sa kaniya. gayoon din tayo habang andoon tayo sa takbuhing inilagay saatin ay dinadaan tayo sa iba't ibang antas, lakas ng apoy na siyang tinatawag na problema at pagsubok.
Ikaw ay ba ay tulad kay Abram at Sara na gumawa ng mga hakbang upang pangunahan ang proseso ng Dios? Huwag nawang mangyari! Bagkus, ikaw ay maghintyansa proseso ng Dios ito man ay matagal at mahirap.
Bakit?
SAPAGKAT GAGAWIN NG DIOS ANG ANOMANG KANIYANG IPINANGAKO SAIYO SA KANIYANG KAPARAANAN.
PURIHIN NATIN ANG DIOS.
2 Comments
Proverbs 3:5-6
ReplyDelete[5]Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understanding.
Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:
[6]In all thy ways acknowledge him, and he shall direct thy paths.
Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.
Amen. To God be the Glory!
Delete