Sa panahong ito maraming mga ina tayong nakikilala. Ina na maaari nating sabihin na tunay na ina. Ang pagiging isang ina ay hindi madaling tungkulin ng isang tao. Ang pagiging isang ina ay biyaya na galing sa Dios. Maging sa lumang tipan pa lamang marami tayong mababasa na ang ilan sa kanila ay sinarhan ng Dios ang kanilang bahay bata. Alam naman natin na kung ang anuman ay masarhan ito ay hindi pwedeng mabuksan o malagyan. Kaya kung ang sinuman ay mabiyayaan ng Dios ng anak ito ay tunay at lubos na nakalulugod sa kaninuman na binigyan Niya nito.
I.
ANO BA ANG KAHULUGAN NG INA?
n A
woman in relation to a child- isang babaeng may kaugnayan sa isang bata or children to whom she has given birth.- sa
mga bata kung kanino siya nagsilang.
n A
woman bring up a child with care and affection- nagpalaki sa isang batang may
pag-iingat at pagmamahal
n A woman give birth to- babaeng nanganak dito.
Sa mga kahulugan ng pagiging ina, makikita dapat natin dito ang pagiging responsible, pag aaruga at pagmamahal ng isang tunay na ina.
II. MGA INANG PINILI NG DIOS
1.
SARA-
Isang baog na asawa ni Abraham na pinili ng Dios upang pagpalain at maging ina ng mga bansa. Siya ay naging ina
ni Isaac.
Gen
17:15 At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa,
ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara ang
magiging kaniyang pangalan. 16 At
akin siyang PAGPAPALAIN, at saka sa kaniya'y bibigyan kita ng anak: oo, siya'y aking pagpapalain, at
magiging INA ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya.
Gen 21:12 At sinabi ng Dios kay Abraham, Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin; sa lahat na sabihin sa iyo ni Sara, ay makinig ka sa kaniyang tinig, sapagka't kay Isaac tatawagin ang iyong lahi.
Hearken-
makinig - means
n To
hear intelligently- (often with implication of ) attention, obedience
Makinig ng may katalinuhan, buong atensyon at pagsunod
Nabasa po natin na ang Dios mismo ay nag utos kay Abraham upang pakinggan si Sara at marahil ang sasabihin din naman ni Sara ay sa ikabubuti, isasaayos at kalooban ng Dios na kaniyang pakinggan.
Naniniwala
po ako na naging mabuting impluwensya si Sara kay Isaac dahil ito ay may
mabuting loob, handang magparaya sa kabila na ito ay masakit sa kanya, mabigyan
niya lamang si Abraham ng anak.
Gen 16:1 Si Sarai nga na asawa ni Abram ay hindi nagkaanak sa kaniya; at
siya'y may isang alilang babae na taga Egipto, na nagngangalang Agar. 2 At sinabi ni Sarai kay Abram,
Narito, ngayon, ako'y hinadlangan ng Panginoon na ako'y magkaanak;
ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking alilang babae; marahil ay
magkakaanak ako sa pamamagitan niya. At dininig ni Abram ang sabi ni Sarai.
Bilang
mabuting asawa hindi nya na iniisip ang sa kaniyang sarili, kungdi kung ano ang
pwedeng magpasaya sa kanyang asawa. Ito ay tunay na mabuting pag uugali ni
Sarah na sa kabila ng hindi madaling gawin ang mga bagay na ito, siya ay
nagpakababa, nagbigay, at kahit na inalimura siya.
Si
Isaac ay naimpluwensyahan ng kaniyang makadios na inang si Sarah, siya ay naging mabuting bata, masambahin sa Dios at
masunurin sa kaniyang mga magulang. Makikita natin ito noong hiningi ng Dios
kay Abraham si Isaac, siya man ay sumama sa kanyang ama na hindi napipilitan
lamang. Nang sinabi ng kanyang ama na ang ihahandog ay ibibigay ng Dios siya ay
hindi na nakipagtalo pa kundi siya sumampalataya sa sinabi ng kaniyang ama.
Genesis 22:7 At nagsalita si Isaac kay Abraham na kaniyang ama, na sinabi, Ama ko: at kaniyang sinabi, Narito ako, anak ko. At sinabi, Narito, ang apoy at ang kahoy, nguni't saan naroon ang korderong pinakahandog na susunugin? 8 At sinabi ni Abraham, Dios ang maghahanda ng korderong pinakahandog na susunugin, anak ko: ano pa't sila'y kapuwa yumaong magkasama.
2.
HANNAH- Isang Israelita. Siya ay isa sa mga
asawa ni Elcana na taga
Ramathaim-sophim, sa lupaing maburol ng Ephraim. Siya ay walang anak ng una
dahil sinarhan ng Dios ang kaniyang bahay bata. Ngunit siya ay tunay na
minamahal ni Elcana
1 Samuel 1:6 At minumungkahi siyang mainam ng kaniyang kaagaw upang yamutin siya,
sapagka't sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata.
1 Samuel 1:9 Sa gayo'y bumangon si Ana pagkatapos na makakain sila sa Silo at pagkatapos na sila'y makainom. Ngayo'y si Eli na saserdote ay nakaupo sa upuan niya sa siping ng haligi ng pintuan ng templo ng Panginoon. 10 At siya'y nanalangin sa Panginoon ng buong paghihinagpis ng kaluluwa, at tumangis na mainam.
c) Siya ay nananampalataya at nagtitiwala sa Dios -- Alam niya na sa kanyang pananalangin sa Dios ay kayang ibigay ng Dios ang kanyang hinihiling. Hindi rin niya ipagkakait sa Dios ang kaniyang magiging anak na ibibigay Nito sa kanya.
1 Samuel 1:11 At siya'y nanata ng isang panata, at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, kung tunay na iyong lilingunin ang pagkapighati ng iyong lingkod, at aalalahanin mo at hindi mo kalilimutan ang iyong lingkod, kundi iyong pagkakalooban ang iyong lingkod ng anak na lalake, ay akin ngang ibibigay sa Panginoon sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, at walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo.
d)
Siya ay
isang ina na mapagmahal at mapag aruga. Hindi lahat ng ina sa panahong ito ay nag papasuso ng
kanilang mga anak. Dahil ang iba ay ayaw daw masira ang kanilang mga katawan.
Hindi rin lahat ng mga ina ang siyang nag aalaga at nag aaruga sa kaniyang mga
anak. Kaya masasabi ko rin na si Hannah ay tunay na dakilang sa pagiging isang
ina.
22 Nguni't si Ana ay hindi umahon; sapagka't sinabi
niya sa kaniyang asawa, Hindi ako aahon
hanggang sa ang bata'y mahiwalay sa suso; at kung magkagayo'y aking
dadalhin siya, upang siya'y pakita sa harap ng Panginoon, at tumahan doon
magpakailan man. 23 At sinabi ni Elcana na kaniyang
asawa sa kaniya, Gawin mo ang inaakala mong mabuti; maghintay ka hanggang sa
maihiwalay mo siya sa suso; pagtibayin lamang ng Panginoon ang kaniyang salita.
Sa gayo'y naghintay ang babae, at pinasuso ang kaniyang anak, hanggang sa
naihiwalay niya sa suso.
e) Siya ay mapaghandog sa Dios - Hindi siya gaya ng madaming tao na kapag nakuha na nila ang kanilang mga ipinagdarasal, kanila ng kinakalimutan ang pagbabalik sa bawat pagpapala nilang natatanggap.
1
Samuel 1:24 At nang
kaniyang maihiwalay na sa suso, ay kaniyang iniahon, na may dala siyang tatlong
guyang lalake, at isang epang harina, at isang sisidlang balat ng alak, at dinala niya siya sa bahay ng Panginoon sa Silo: at ang anak ay sanggol.
f) Siya ay tapat at mapanambahin sa
kaniyang pangako- Kung ano ang kaniyang hiniling at kanyang tipanan sa Dios siya
ay naging tapat sa kanyang pangako. Siya ay hindi gaya ng maraming tao sa
panahong ito na kapag nanganko ay napapako, Kaniyang tinutupad kung ano ang
kaniyang isinalita.
27 Dahil sa batang ito ako nanalangin; at
ipinagkaloob sa akin ng Panginoon ang aking hiling na aking hiningi sa kaniya: 28 Kaya't
aking ipinagkakaloob naman sa Panginoon
habang siya'y nabubuhay ay ipinagkakaloob ko siya sa Panginoon. At siya ay
sumamba sa Panginoon doon.
Sa mga katangian ni Hannah na ating napag
aralan makikita natin ang impluwensya niya bilang makadios na ina ni Propeta
Samuel. Bagkus alam natin na sa murang edad pa lamang ni Samuel siya ay
ipinagkatiwala na ng kaniyang ina sa Dios. Ako’y naniniwala na kapag ang iyong
ina na nagluwal sa iyo ay tunay na nagkatiwala sa Dios ang kanyang magiging
anak ay tunay na hindi pababayaan ng Dios.
Kung atin lamang na patuloy na na pag aaralan ang buhay ni Samuel siya ay naging kagamit gamit sa Dios, siya ay naging instrument ng Dios upang magbuhos ng langis sa mga haring itinalaga ng Dios na maghari sa Kaniyang bayang Israel. Marami po tayong maririnig na mabubuting ginawa ni Samuel sa mga hari, mga pangangaral at maging ang pagtutuwid man sa kanila. Hindi naging sa walang kabuluhan ang pagiging makadios na ina ni Hannah.
III. SPIRITUWAL NA KATOTOHAN
Marami pa tayong makikitang maimpluwensyang ina sa Biblia, maging sa buhay natin ngayon maraming mga ina ang nagiging impluwensya sa paglaki ng mga bata.
n Kung ang isang ina ay magtuturo ng pagkatakot sa Panginoon.
Awit 34:11 Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako: aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.
n Kung tuturuan ang mga bata ng mga kasulatan ng Dios.
Awit
132:12 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan. At ang aking
patotoo na aking ituturo, magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong
luklukan magpakailan man.
n
Kung sila ay tuturuan sa tamang landasin na
kanilang dapat lakaran
Kawikaan 22: 6 Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
Anong klase kang ina sa iyong anak? Ang pagtuturo ng mga ina sa kanilang mga anak na magkaroon ng takot sa Dios ang dapat na pangunahing turo na ginagawa ng mga ina sa mga araw na ito. Dahil tunay na kapag ang pagkatakot sa Dios ay wala na sa mga bata, maging sa kanilang mga magulang ay mahihirapan na silang matakot. Makita rin ng mga anak na ang kanilang mga ina o ama man ay magbigay ng isang halimbawa kung paano maging makaDios dahil ang pagiging impluwensya ay maaari nating maibahagi sa ating pamumuhay din naman.
0 Comments