May Halaga Ka.


May halaga ka at mahalaga ka.


Ilang beses mo na bang naisip na wala kang halaga?

Ilang gabi ka na bang di ka makatulog sa kakahanap mo ng iyong halaga?

Ilang tao na ba ang iniyakan mo, hindi para marinig mo ang sasabihin nila kundi upang marinig nila ang mga daing at hinaing mo?

Ilang beses mo na bang naisip na tapusin na ang buhay mo dahil sa iniisip mong wala kang halaga?

Ilang araw ka na bang tuliro, at hindi alam ang gagawin dahil sa kakaisip mo kung sino, ano at saan mo matatagpuan ang halaga mo?

Ilang beses ka na bang umiyak sa gabi sa kakaisip na hanggang ngayon ay hindi mo makita ang halaga mo?


Maniwala ka, naiintindihan at nararamdaman kita. 


Ilang beses na akong nahulog sa ganitong pagiisip. Hindi ko alam kung paapaano at saan ko hahanapin ang halaga ko.

Hindi ko alam kung  ano na ba ang gagawin ko para lamang makita kong may halaga ako?

Masakit. mahirap. nakakapanglumo.

Sa ganitong kalagayan marami hindi lamang mga hindi naniniwala sa Dios, kundi higit ang dami ng maraming Kristiyano  ang naghahanap ng kanilang halaga.

Sa ganitong pag-iisip ano ang ginagawa mo?

Ako? Sa totoo lang madalas akong hindi makakilos, makapag-isip, at makapag salita ng tama. Yung tipong lahat ng bagay nalilimutan ko at lahat ng bagay walang mabuting mapupuntahan.


ITO ANG GUSTO NG DIABLO NA MARAMDAMAN KO 

Nalimutan ko habang nasa ganitong kalagayan ako, ito pala ang gusto ng diablo. 

Manlumo ako. Magulumihanan ako. Malungkot ako. Mawalan ako ng kapayapaan. Mawalan ako ng pananamapalataya sa Dios. Mawalan ako ng gana sa Panginoon. 



Ito ang gusto ng diablo na maramdaman mo at hindi lang yun, gusto niyang manatili ka dito. 

Hindi natin namamalayan sa ganitong kalagayan pala natin dinudurog tayo paunti-unti ng diablo hanggang sa hindi na tayo makatayo. 

Hahayaan mo ba ito? Hahayaan mo bang manatili ka sa ganitong kalagayan?


HUWAG!!!


Sa ganitong kalagayan mo sa buhay, tandaan mo MAY NAGPAPAHALAGA SAYO. 


Sino? Ang DIOS.

Isaiah 49:15 "Malilimutan ba ng babae ang kaniyang batang pasusuhin; na siya'y hindi mahahabag sa anak ng kaniyang bahay-bata? oo, ito'y makalilimot, nguni't hindi kita kalilimutan."


1 Juan 4:9 "Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya."


Lamentation 3:22-23 "22 Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. [23] Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat."


Mga Awit 63:3 "Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay: pupurihin ka ng aking mga labi."


Isaias 54:10 " Sapagka't ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol at mangapapalipat; Nguni't ang aking kagandahang loob ay hindi hihihwalay sa iyo, o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi n Panginoon na naawa sa iyo."


Mga Awit 86:15 " Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan. 


Mga Awit 107:8-9 "[8] Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa Kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa Kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! [9] Sapagka't Kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, at ang guyom na kaluluwa ay binusog niya ng kabuyihan."


Mga Awit 36:7 "Napaka mahalaga ng Iyong kagandahang-loob, Oh Dios! At ang mga anak ng mga tao ay naganganlong sa ilalim ng Iyong mga pakpak."


1 Juan 4:9-10 "[9] Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, Sapagka't ng Dios ang Kaniyang bugtong na anak sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan Niya. [10] Narito ang pagibig, hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang Kaniyang anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan."


Juan 3:16 "Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang Kaniyang bugtong na anak, upang ang sinomang sa Kaniya'y sumamapalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."


Roma 8:38-39 "[38] Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man kahit ang buhay, kahit ang mga anaghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang nga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga agay na darating, kahut ang mga kapangyarihan [39] Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin."


Juan 15:9 "Kung paanong inibig ako ng ama, ay gayon din naman iniibig ko kayo: Magsipanatili kayo sa aking pagibig."


Marami pang mga talatang mababasa natin sa Biblia ang nagpapatunay na mahalaga TAYO sa DIOS. 

Ikaw na nakakaranas ng matinding kalungkutan dahil sa pagiisip mo ng kawalang halaga mo, basahin at pagkabulayin mo ang mga talatang iyan at makikita at mararamdaman mo kung gaano ka kahalaga sa Dios.

Huwag pagmatigasin ang iyong puso, bagkus damhin ang iyong kahalagahan sa mga mata ng Dios. Lalo't inaalala ka Niya at dinadalaw ka Niya.

Mga Awit 8:4-8 "[4] Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? [5] Sapagka't iyong ginawa siyang kauntinbg mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. [6] Iyong pinapagtaglay siya g kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay, iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa."


SA DIOS ANG LAHAT NG KAPURIHAN

Post a Comment

2 Comments