Maganda ako


Maganda ka



Marami sa panahon ngayon ang nagpapa-gawa ng anomang parte ng kanilang katawan na hindi nila gusto o iniisip nilang hindi tama, akma, o proportion sa kanilang katawan o mukha.


Isa ka ba sa nagiisip na bagohin anomang parte ng iyong katawan?


Magpadagdag ng hinaharap (breast), magpatangos ng ilong?, Magpalapad ng labi?, Magpadagdag ng puwet (butt)?, at marami pang iba. 


Well, I diffenately won't recommend a doctor for you to have a surgery, but I want to encourage you to not do that!


Genesis 1:27 "At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae."


Lahat tayo ay nilikha ng Dios ayon sa kaniyang wangis. Wangis na wala anomang kamalian sa paglikha ng ating ilong, mata, bibig, chick bone, o anomang parte ng iyong katawan. 


Nilayon ng Dios na maging ganyan kalaki o kaliit ang parte ng iyong katawan dahil mayroong dahilan at mga dahilan na ang Dios lamang ang nakakaalam.


May nabasa ako sa isang Q and A sa isang article, isang babae na tinanung ang isang kilala o sikat na preacher sa Pilipinas ng ganitong tanong: "May maliit akong hinaharap, gusto kong magpadagdag ng boobs, masama po ba ito?"


Ang sagot ng isang sikat na preacher sa Pilipinas ay ganito: "the beauty is in the eye of the beholder, kung sa tingin mo ay hindi maganda, palitan mo, katawan mo naman iyan."


Honestly speaking, sa puso ko, di ko matanggap ang kaniyang sinabing ito. Ikaw tanggap mo ba ang sinabi niya? O nakikita mo ba ang punto ng gusto niyang sabihin, tama ba?


Inaasahan kong sasawayin ng preacher na ito ang babaeng nais magbago ng parte ng kaniyang katawan. Ngunit, iba sa inaasahan ko ang kaniyang ginawa.


SA PAGBABAGO MO NG IYONG KATAWAN AY NAGPAPAKITA NG HINDI MO PAGSANG-AYON SA PAGKALIKHA NG DIOS SA IYO. 


REMEMBER: the work of  God and His decision to make you like that or to make the world like this will never ever be a mistake.


Ang kulay ng araw, langit, bituin, puno, mga bulaklak, bundok, dagat, ang kulay ng tao, ang klase ng buhok ng tao, ang iba't ibang taas o height ng tao ay hindi nagkamali ang Dios sa mga bagay na ito.


Ikaw ay nilikha ng Dios na maganda at walang katulad. Sadyang nabubuhay lamang tayo sa mundo na hindi perpekto ngunit humahanap ng perpekto. 


Sa mga matang nakakakita ngunit hindi marunong tumingin ng kagandahan ng paglikha ng Dios. 


Oo! Mahirap mabuhay sa isang mundo na puno ng judgmental na mga tao.


Sabi sa isang awit (hindi isang christian song) "I am beautiful no matter what they say, words can't bring me down." Awiting hindi makaDios ngunit maaaring masabi natin sa kanila na hindi naaapreciate ang ating kagandahan. 


Their words won't affect or bring us harm, to lead us to change what the Lord creates us. 


Lalo na ang sinabi sa Mga Awit 139:14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.


YOU WERE CREATED BEAUTIFUL AND UNIQUE.


So, bakit mo gustong ipabago anomang meroon ka sa ngayon para maging katulad ng sinomang sikat na taong kakilala mo? At bakit ka magbabago ng anomang parte ng katawan mo, kung ikaw mismo ang inibig ng mga taong nasa paligid mo?


Sa maliit na panghihikyat ba ay nahikayat kita? Nawa Oo.


Nahikayat nawa kitang wag magpabago ng anoman sa iyong katawan o mukha kundi ito ay tanggapin at ibigin mo, dahil ang Dios ang lumikha sa iyo, ayon sa Kaniyang wangis. 



SA DIOS ANG KAPURIHAN NGAYON AT MAGPAKAILANMAN.


Post a Comment

0 Comments