Marami
sa mga tao ngayon ang halos hindi na natutulog, marahil dahil sa kanilang mga
trabaho ay panggabi kaya imbis na natutulog sila sa gabi ay sa umaga sila
natutulog. Meron naman sa sobrang busy din sa mga online games kung kailan kasi
gabi ay mas mabilis ang internet dahil mas marami pa rin ang tulog sa gabi.
Meron din naman na natutulog ng madaling araw dahil minsan sa sobrang pagod na
ay lumipas na ang tamang oras ng tulog na nagawa kaya imbis na makatulog ka ay
lalo napupuyat. Kaya marami ngayon ang may sakit dahil na rin sa kulang ng
tulog.
Pamagat: ARE YOU AWAKE IN THIS FINAL
HOUR
Texto:
Roma 13:11 At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y
kapanahunan nang magsigising kayo sa
pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan
kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una.
Romans 13:11 And that, knowing the time, that now
it is high time to awake out of
sleep: for now is our salvation nearer than when we believed.
Malaman natin sa pag aaral, ang mga
tao ay may dapat o tamang tulog lamang,
ayon sa pagaaral mayroong ibinibigay na Recommended Hours of Sleep;
New Born up to 3 months old- 14-17
hours of sleep daily
Infants 12-15 hours of sleep daily
Toddler 11-14 hours of sleep daily
Pre school age children 10-13 hours
School age children 9 to 11 hours
Teen agers 13 yrs old to 18 years old 8 to 10 hours
Adult 18 years to 60 years old 7 to 9 hours
Elders or seniors 61 above 7 to 8 hours
Makita natin sa statistic na habang
ang tao ay nagbabago ng edad o tumatanda na, ay imiikli ang tulog ng mga ito.
Alam nyo ba na karamihan sa nagkakaedad na, ang tulog lamang nila ay 4 to 6
hours, may iba pa na halos maidlip lamang sila ay sapat na.
Sino po dito ang nakaranas na kahit na
4 to 6 hours lang ang tulog ay feeling nila ay kumpleto na ang kaniyang tulog?
Say Amen!
Ang sobrang tulog din naman ay
nakakapagdulot ng sakit sa tao.
Mga sakit na naidudulot ng sobrang
tulog--ayon sa pag aaral ang sobrang tulog ay nagdudulot ng medical problems,
gaya ng headache, thyroid issues, heart disease, diabetes, depression and increase
of death.
Madami
din palang masamang dulot ang sobrang pagtulog.
I. What is sleep? In this verse- In Greek Sleep means “Hupnos”- (hoop-nos) from an obsolete primary sleep that is (figuratively) spiritual torpor-Sleep
n SLEEP/TORPOR in Dictionary - A state of physical or mental inactivity.
Estado ng katawan o mental na walang ginagawa- Pamamanhid, kawalan ng
pakiramdam at katamlayan
n LETHARGY- a lack of energy or enthusiasm.- paghihina, antok, katamlayan
at kulang sa lakas.
Sino sa inyo kahit natutulog ay may ginagawa? O sinong nakakita sa inyo na natutulog pero may
nagagawang ibang mga bagay? Say Amen!
Totoong walang tunay na natutulog na
makakagawa pa ng iba’t ibang aktibidades. Kaya nga ang taong may edad na o mga
taong maraming iniisip ay hindi na halos natutulog dahil sa gusto nilang
matapos ang kanilang mga ginagawa o iniisip man. Dahil kung sila ay matutulog
maaantala ang kanilang mga ginagawa.
Romans
13:11 (KJV) And that, knowing the time, that now
it is high time to awake out of sleep: for now is our salvation nearer than
when we believed.
II.
KNOWING THE TIME: Time
means of uncertain affinity- hindi tiyak na pagkakahawig
1. An occasion that is set or proper
time- Okasyon na itinakda sa tamang oras
2. Always opportunity (convenient due)-
Laging dapat na mauna
3. Season (due short while)- napapanahon
4. Time a While- habang may oras pa
“May kasabihan nga na ang oras ay
hindi na maibabalik pa”
Roman 13:11 As you do all
this, you know what time it is. The hour
has already come for you to wake up from your sleep. Now our salvation is
nearer than when we first had faith.
Atin daw alamin ang oras o panahon?
Ano ba ang napagmamasdan o namamalas mo sa mga araw na ito? Sinasabi sa salita
ng Dios
Efeso 5:16 Take
advantage of every opportunity because these
are evil times.
Na inyong samantalahin ang panahon,
sapagka't ang mga araw ay masasama.
Ang pagsasamantala ng mga panahon ay
dapat na may ginagawa tayo. Hindi tayo pwedeng tutulog tulog lamang, dahil kung
tutulog tulog lang tayo hindi natin mamamalayan kung ano na ang nakapangyayari
sa ating kapaligiran.
2 Tim 3:1 (Gw)Understand that the last days will
be dangerous times.
Sinasabi sa mga talatang ating nabasa
na ang mga panahon ay masasama, may mababasa pa nga tayo na ang masasama ay
patuloy na magpapakasama, patuloy silang magiging masama kung patuloy silang
magpapakatulog sa mga panahong ito. Kaya sa ating texto ang mga tao ay
ginigising dahil ang mga araw ay masasama. Sila na natutulog sa Espiritual o
natural man.
Unawain natin sa mga huling mga araw
na masama, mapanganib, delikado at peligro.
Ang taong tulog sa natural ay walang
malay sa kaniyang kapaligiran, anoman ang mangyari sa kaniyang kapaligiran wala
siyang magagawa kung siya ay natutulog. Hindi niya alam na nagkakalabugan na o
nag aaway na sa kapaligiran nya. Maraming maaaring makapangyari sa iyo kung
ikaw ay natutulog. At wala kang kamalayan maging mahaba man ang lumipas na mga
oras. Gaya ng kahulugan ng Sleep o tulog ito ay isang physical na walang malay,
maaaring pamamanhid o walang pakiramdam.
Ang ibig sabihin ng Sleep o tulog dito
ay Spiritual Torpor, ang tulog sa Espiritual ay hindi nakakaalam kung anong
kasamaan na ang nangyayari sa kaniyang kapaligiran, maging sa kaniyang buhay
man. Maraming mga tao ang napipiringan ang kanilang mga mata kaya hindi nila
namamalayan ang kasalanan na kanilang nagagawa dahil sila ay mga tulog sa
Espiritual.
Mga halimbawa:
n Sila na mayayaman sa buhay- hindi
natin nilalahat ang mayayaman ngunit mas nakahihigit sila na nasa pagkatulog sa
Espiritual, dahil sa sobrang pagnanasa nila na sila ay mas madaming kitain,
gumagawa sila ng mga bagay na nawawalan na ng oras sa Dios. Marami sa kanila na
mas may panahon sa kanilang mga negosyo, kung hindi man ay sa mga aliwan,
pamamasyal, mga kasiyahan, mga gimikan at kaunti o maaaring wala ng panahon sa
paglilingkod sa Dios.
Ang iba naman ay mas pinipiling magbigay ng mga malalaking
kaloob sa mga simbahan para mapagtakpan ang mga gawang hindi maganda na
kanilang ginagawa. Mga pangdaraya sa negosyo o sa pagbabayad ng mga taxes.
Dahil akala nila mababayaran ng kanilang mga pera ang kanilang masasamang gawa
o pagkukulang man.
n Sila na mga artista o mga sikat na
tao- Minsan kahit pa nga ang mga sinasabing Kristiano na ay hindi pa rin
maaalis ang paggawa ng mga bagay na hindi nakalulugod sa mata ng Dios, ang
pagtanggap ng mga maseselang papel na kanilang gagampanan, maaaring immoral,
sexual phonograhy, kabaklaan o katombuyan,
ay tinatanggap pa rin dahil malaki ang talent fee na kanilang
tatanggapin. Kahit ito ay labag sa kanilang mga paniniwala o pananampalataya.
Sila ay napipiringan na maaaring alok lamang ito ng diablo upang makalimutan
nila ang kanilang pagiging Kristiano. Mga pananamit na halos ilabas na ang
kanilang buong kahubaran, alam nating ito ay hindi kalooban ng Dios dahil
marami ang nagkakasala sa mga bagay na ito.
Mateo
5:28 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin
sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng
pangangalunya sa kaniyang puso.
Kaya hindi nila namamalayan ang mga
panahon o mga oras na dumarating, hindi nila namamalayan dahil sila ay mga
tulog sa Espiritual. Hindi nila namamalayan na mali ang kanilang mga pananamit
o pamumuhay.
Minsan naman sa sobrang magagarbong
pamumuhay o maluluhong gamit masasabi natin na sobra sobrang kalayawan.
1 Tim 5:6 But she that liveth in pleasure is
dead while she liveth.
1 Tim 5:6 Datapuwa't ang nangagpapakabuyo sa mga
kalayawan, bagama't buhay ay patay.
Pinatutunayan ng talatang ito na ang
sinumang natutulog sa spiritual ay patay kahit buhay.
Maging ang mga mananampalataya ng
ating Panginoong Jesus ay nauuwi din sa pagkatulog sa Espiritual. Marami ngayon
ang nag lie low na sa paggawa ng mga gawain ng Panginoon. Noon sila ay mulat sa
ang mga panahon ay nalalapit na ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Ngunit sa
ngayon sila ay nangatutulog sa Espiritual nilang kalagayan.
ARE YOU AWAKE IN THIS FINAL HOUR?
A.
PAANO MALALAMANG ANG TAO AY
NAKAKATULOG NA SA ESPIRITUAL?
Dati pinanabikan nila ang mga oras na
ginugugol nila sa mga gawaing ito ngunit sa ngayon:
1. Wala ng panahon/oras na manalangin sa
Panginoon.
Kumusta kapatid ang iyong pananalangin sa Panginoon? Dati
nakakagising ka sa alanganing oras ng madaling araw para makatawag ka sa
Panginoon, Dati pinananabikan mo ang pakikipag usap mo sa Panginoon, minsan nga
ayaw mo nang umalis sa pakikipagfellowship sa Kanya. Para kang nakikipag usap
sa iyong Ama na maraming hinihingi sa Kanya, parang kaibigan na pinagsasabihan
mo ng iyong mga problema at mga nararanasan. Kumusta ka ngayon kapatid? Kumusta
ang iyong pakikipagrelasyon sa Dios?
Lukas 18:1At
sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila'y dapat magsipanalanging
lagi, at huwag manganglupaypay;
2. Wala ng panahon/oras sa pagbabasa ng
salita ng Dios o Biblia-
Awit 119:105 Ang salita mo ay ilawan sa aking mga paa, at
liwanag sa aking landas
Paano natin malalaman ang kalooban ng Dios sa ating buhay
kung magkukulang tayo sa pagbabasa ng salita Niya, doon natin malalaman ang mga
bagay na mabuti, nararapat na pamumuhay na dapat nating lalakaran at ipamuhay
sa mga araw na ito. Ang salita ng Dios ang liwanag ng ating buhay, ito ang mapa
ng ating pamumuhay kung saan ang tamang daan na ating lalakaran.
3. Wala ng panahon/oras sa pagdalo ng
gawain ng Panginoon.
Dati halos ayaw mong mag absent sa mga gawain ng Panginoon,
sobra ang mga panghihinayang mo kapag may na miss kang gawain Nya. Ngunit
ngayon masyado ka yatang nahirati sa panonood na lamang ng mga gawain sa online
at kinatamaran mo na ang pagdalo sa mga face to face na gawain para makasama
man lang ang iyong mga kasamahan sa iglesia. Iba ang pakikipag fellowship sa
mga kapatid kay Kristo. Malaya ka bang nakapagpupuri at nakakasamba sa Dios sa
iyong kinalalagyan?
Hebreo 10:25 Na huwag nating pabayaan
ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't
isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.
4. Hindi na niya gustong magbigay ng
kaniyang ikapu o mga kaloob-
Dati bago ka gagastos ay lagi mong inuuna ang pagtabi ng
iyong mga ikapu at mga kaloob ngunit ngayon tila hinayang na hinayang ka na sa
pagbibigay ng iyong dapat na ibigay sa Panginoon. Alam mo bang ang bawat hindi
pagbibigay sa Dios ng ating ikapu ay maghahatid sa atin sa hindi pagsunod sa
DIOs dahil ito ay isang test ng ating pananampalataya kung tayo ba ay tunay na
nagtitiwala sa Kanya na sa Kanya galing ang bawat bagay na nasa atin.
Malakias
3:10 Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang
magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na
ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga
dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat
na silid na kalalagyan.
Maraming churches and fellowship
ang hindi na tinutupad ang utos ng Dios dahil sa sinasabi nila na wala na tayo
sa kautusan. Tama hindi na tayo namumuhay sa “Dispensation of Law” tayo ay nasa
panahon na ng pamimigay ng Grasya ng
Dios “Dispensation of Grace”. Kaya mas higit nating maibalik sa Dios ang
dapat na para sa Kanya dahil hindi na nating kayang magpatay pa ng mga alaga
nating hayop dahil wala naman tayong gayon, kungdi ang nasa atin ang dapat
nating muling ibalik sa kanya bilang
tanda ng ating pagmamahal sa Dios. Lagi nating alalahanin na HINDI
KAILANGAN NG DIOS ANG ATING PERA.
Sabihin sa katabi hindi kailangan ng Dios ang pera mo. Ano ba ang
sinasabi sa Kanyang salita?
Malakias 3:10 Dalhin ninyo ang buong ikasangpung
bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay.
Kumakain ba ang Dios bilang isang Espiritu? Hindi! Ito ay para sa
Kaniyang tahanan:
a) Sa mga pangangailangan ng kaniyang
tahanan. Alam natin na may mga pinagkakagastusan sa tahanan ng Dios. Renta,
tubig, meralco ( napakapalad natin tayo ay naka aircon) maraming churches na
walang kagaya ng atin.
b) Sa mga tao o direkta na nating sabihin sa
nagpapagamit sa Dios upang ipagamit ang kanilang mga buhay upang mangaral,
magligtas, magpalago at magpalakas sa mananampalataya ng Dios.
Sa katotohanan po hindi po
madaling magpagamit sa Dios, lalo na kung ang magpapagamit ay talagang iniwanan
ang kanilang mga kabuhayan, trabaho upang tanggihan ang sarili at sumunod sa
Dios. Nawa huwag pong maging negatibo ang inyong pagtanggap sa mga bagay na ito
dahil noong ako’y nagsisimula pa lamang na nakakilala sa Dios bilang Kristiano
ito ang unang nakatisod sa akin, ngunit noong ginising ako ng Dios sa aking
pagkakatulog spiritual. Mas higit kong naunawaan ang mga bagay na ito at ito
din ang naging paraan ng Dios upang patuloy Niya akong pagpalain sa kabila ng
maraming mga gastusin.
5. Hindi na rin niya ipinagagamit ang
kaniyang kakayahan, talento para sa Dios.
Ang bawat isa sa atin ay may ibinigay na talento ang Dios,
AMEN! Huwag nating sabihin na tayo ay matanda na o may gulang na upang hindi
natin ipagamit ang talentong ipinagkatiwala sa atin ng Dios. Ang una lamang
nating gawin ay humakbang upang sumunod sa pagpapagamit sa Kanya na may pahiram
sa atin ng talentong nasa atin. Noong nakalipas na pagtayo ko po dito,
natatandaan ko na may pag aakay ang Dios sa akin na ipahayag o sabihin sa bawat
isa sa inyo na KAILANGAN KAYO NG DIOS!
Ang ating pananabik na magawa ang mga kalooban ng Dios sa
ating buhay ay patunay na tayo ay gising sa mga araw na ito sa espiritual.
Alam ninyo bang ang pagganap at pagtupad ng mga utos ng Dios
ay maaaring makapag akay sa mga taong nasa ating kapaligiran upang sila rin ay
kumilala sa ating Panginoong Jesus.
Hindi man tayo nakakapag share ng salita ng Dios sa mga tao,
pero sa pamamagitan ng ating ipinamumuhay at pinag aayos ang ating mga
karakter, ito ay nagpapakitang tayo ay nabubuhay sa pagkagising. Makita sa ating buhay na tayo
ay tagasunod ni Kristo. Ang sinomang mananampalataya ng Panginoong Hesus na
gumigising sa mga oras na ito upang maipakilala nila ang mga panahon na
sumasama na.
Roma 13:11 At ito, yamang nakikilala ang panahon,
na ngayo'y kapanahunan nang magsigising
kayo sa pagkakatulog:
III.
The hour has already come for you to
wake up from your sleep.
Nalaman
natin na kaya tayo ay ginigising sa ating pagkakatulog dahil ang panahon ay
masama, kung ang mga tao ay lubusan ng nagpapakasama o nagkakasala ano ang
nangyayari sa kanila sila ay parang mga zombies na “buhay na patay”, ayaw
nating maging katulad sa kanila kaya tayo habang may panahon pa ay ginigising
na sa ating pagkakatulog kung tayo man ay natutulog pa hanggang ngayon.
Mababasa
natin sa Efeso ang patuloy na paghihikayat na ang mga tao ay magsipaggising.
Efeso
5:14 Kaya sinasabi niya, Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at
liliwanagan ka ni Cristo.
Sino ba itong mga mga tinatawag na
mga patay? Muli nating balikan ang salita ng Dios.
Roma 6:23 Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan;
n Ang sinumang nagkakasala ay patay sa
harap ng Dios, kaya tayo ay pinag iiba ng gagawin. Bilang mga Kristiano dapat
na lumalayo na tayo sa kasalanan na maaring maghatid sa atin sa kamatayan
spiritual.
Efeso
5:15 Mangagingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng
marurunong;
n Paano tayo lumalakad sa mga araw
na ito, gumagaya ba tayo sa mga patay na nasa ating paligid? Tayo ay
pinalalakad ng may katalinuhan upang huwag magaya sa kanila.
Efeso
5:16 Na inyong samantalahin
ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.
n Ngayon ang panahon na tayo ay
magsigising na dahil ang panahon ay pasama ng pasama, hindi natin namamalayan
ang mangyayari o nangyayari kung tayo ay tulog. Kaya tayo ay patuloy na magbago
at magpabago sa Panginoon na patuloy na magpakabuti, lumakad sa pagmamahalan,
pagtutulungan, at magpalakasan upang tayong mga magkakapatid kay Kristo ay
makapamanalagi sa paglilingkod sa Dios.
ARE YOU AWAKE IN THIS FINAL HOUR?
GISING KA NA BA KAPATID? (sabihin
sa katabi)
Makita nating maraming tao ang
napapahamak kung hindi sila makakaalam ng pagliligtas ng Panginoon. Marami ang
mapapahamak, Kaya tayo ay ginising upang
makita natin sila na napapahamak, atin
silang sagipin sa tiyak na pagkabulid sa apoy ng impieyerno kung hindi rin
natin gigisingin ang kanilang pagkakatulog sa pamamagitan ng paghahayag ng
salitang kaligtasan.
Efeso
5:17 Kaya
huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
Eph 5:17
(GW) So don’t be foolish, but understand what
the Lord wants.
Ito ang kalooban ng Panginoon na
sagipin ang mga natutulog din, ayaw ng Panginoon na tayo ay madatnan niyang
nangatutulog Espiritual na walang ginagawa. Dapat nating gawin ang kalooban ng
Panginoon na ating gawin. Bakit?
Roma 13:11 At ito, yamang nakikilala ang panahon,
na ngayo'y kapanahunan nang magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa
atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una.
IV.
Now our salvation is nearer than when we first
had faith, (CEV)
Our salvation is nearer now than when we first became believers. (GW)
for now is our salvation nearer than when we believed. (KJV)
n Ilang taon ka ng Kristiano? Kailan ka
nakakilala sa ating Panginoong Hesus, 10 years, 20 years 30 years. Hahayaan mo
bang sa tagal ng iyong paglilingkod ay mahatid ka lang sa pagkakatulog at hindi
makamit ang pagliligtas na matagal mo ng inaasam asam?
n Sa ating matagal na pagiging Kristiano
ano ang iyong ginagawa sa Panginoon? Baka hanggang ngayon kayo pa ang
pinupuntahan ng mga Pastor at mga manggagawa para bahagian ng salita ng Dios sa
inyong bahay?
n Mga kapatid tayo ay magsigising na sa
ating pagkakatulog dahil sa tagal mo na sa Iglesia, marami ka ng mga salita ng
Dios na napakinggan.
n Marahil marami ng patotoo ang Dios sa
iyo, maraming pagpapagaling, pagpapalaya at pagliligtas ng ginawa ang Dios baka
pwede namang makasama ka na sa pagbabahagi ng salita ng Dios.
n Ipatotoo mo naman ang iyong buhay na
patuloy na binabago ng Dios. Baka pwede ka na ring makatulong sa pagtuturo sa
mga bahay bahay. Huwag nating aksayahin ang ating natututuhan magkaroon tayong
puso sa mga taong totoong tulog sa Espiritual.
n Ipakilala mo sa mga tao ang kaligtasan
na ibinibigay ng Dios sa iyo.
Patuloy tayong maging gising upang huwag lumagpas sa atin ang
kaligtasan na ating inaasahan. sapagka't
ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y
magsisampalataya nang una.
V.
BAKIT TAYO GINIGISING SA PAGKAKATULOG?
1. Ginigising tayo upang tayo ay makapamuhay sa katwiran ng Dios.
1 Cor 15:34 Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, at
huwag mangagkasala; sapagka't may mga ibang walang pagkakilala sa Dios:
sinasabi ko ito upang kayo'y kilusin sa kahihiyan.
Ang mga tulog sa Espiritual hinihintay na lang nila ang
kanilang mga oras para mamatay hindi na nila iniisip kung saan sila mapupunta
pagkatapos nilang mamatay. Kaya nga hindi nila inaayos ang kanilang mga
masasamang ugali, hindi sila natatakot kung ano ang kahihinatnan nila dahil
sila ay tulog nga walang nalalaman.
2. Ginigising tayo upang tayo ay makapamuhay
ng matuwid, huwag nating gawin ang mga bagay ng laman na hindi maghahatid
sa atin sa pagkaligtas.
1 Cor 6:12 Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ay
nararapat. Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ako
pasasakop sa kapangyarihan ng anoman.
1 Cor 6:8 Nguni't kayo rin ang mga nagsisigawa ng kalikuan, at nangagdaraya, at
ito'y sa mga kapatid ninyo. 9 O hindi baga ninyo
nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana
ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang
mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae,
ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake. 10 Ni ang mga
magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga
mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.
11 At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni't nangahugasan na kayo, nguni't binanal na kayo, nguni't
inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu
ng ating Dios.
3. Ginigising tayo upang huwag tayong makisama sa masasamang tao upang huwag
masira ang ating magandang ugali.
1
Cor 15:32 Kung ako'y nakipagbaka sa Efeso
laban sa mga ganid, ayon sa kaugalian ng tao, ano ang pakikinabangin ko? Kung
ang mga patay ay hindi muling binubuhay, magsikain at magsiinom tayo yamang
bukas tayo'y mangamamatay. 33Huwag kayong padaya: Ang masasamang
kasama ay sumisira ng magagandang ugali.
4.
Ginigising tayo upang tayo magbangon tayo sa gitna
ng mga patay at liwanagan tayo ni Kristo
Efeso 5:14 Kaya sinasabi niya, Gumising kang
natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.
5. Ginigising tayo upang tayo ay makapagsuot ng
buong kagayakan ng Dios at magtamo ng
kaligtasan na galing sa ating Panginoong Jesukristo
1 Tesalonica
5:6 Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi
tayo'y mangagpuyat at mangagpigil. 7 Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog
sa gabi; at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi. 8 Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng
araw, mangagpigil tayo, na isuot ang
baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa
ng kaligtasan.
9 Sapagka't tayo'y hindi itinalaga
ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas
sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo,
6. Ginigising tayo upang magawa
nating ipangaral ang pagliligtas ng
Panginoong Hesus. Dahil darating ang panahon na hindi na nila titiisin ang
magaling na aral.
1 Tim
4:1 Ipinagbibilin
ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga
buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakita at sa kaniyang
kaharian:
2 Ipangaral
mo ang salita;
magsikap ka sa kapanahunan, at sa di
kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka,
mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.
3 Sapagka't darating ang panahon na
hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng
tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa
kanilang sariling mga masasamang pita;
7. Ginigising tayo upang muli nating
gawin ang dati nating mga ginagawa ng tayo makakilala sa Dios.
Patuloy tayong manalangin, patuloy
tayong magbasa ng salita ng Dios, patuloy tayo muling makadalo sa mga gawain ng
Dios, tayo ay makipag fellowship sa ating mga
kapatid kay Kristo, patuloy
nating tulungan ang ating kinabibilangang Iglesia upang magamit sa pagbibigay ng iyong ikapu at
mga kaloob. Patuloy mong ipagamit ang iyong sarili, ang mga talentong ibinigay
ng Dios sa iyo huwag mong hayaan na patuloy na makatulog lalo na sa iyong
Espiritual na kalagayan.
Conclusion:
Sila na mga natutulog sa
Espiritual ay patuloy na magnanasa ng mga bagay na masasamang pita na
maghahatid sa kanila sa kapahamakan. Kaya tayong mga Kristiano ay ginigising sa
ating Espiritual na pagkakatulog ay magbangon upang ang mga maling gawa ng tao
sa sanlibutan ay ating maitama at mahatid din sila sa pagkakilala sa Dios.
Kung sa ating sarili ay nakita
natin na tayo ay nasa Espiritual na pagkakatulog pa sa mga araw na ito. Ito ang
panahon upang ating kilalanin sa Dios ang ating pagkukulang sa Kanya upang tayo
ay magsigising sa ating pagkakatulog, gawin ang kalooban ng Dios sa ating
buhay. Nais ng Dios na ang lahat ng mga tao ay makaalam ng katotohanan upang
maligtas, nawa magawa natin ang ating parte. Lahat tayo ay ginigising ng Dios
sa pagkakatulog. Upang manggising din naman ng mga taong tulog na kung hindi
mahahatid sa pagkagising sila ay mangapapahamak lamang.
IKAW NA NATUTULOG, GUMISING KA
NA!!!
ARE YOU SPIRITUAL AWAKE???
TO GOD BE THE GLORY!
0 Comments