Inaalala, inaalalayan, minamalasakitan, at iniibig ka ng Diyos.


Ilang beses ka ng bumagsak?

Ilang beses ka na nawalan ng pag-asa?

Ilang beses ka nang nalulungkot?


Ilang beses ka na bang nabigo?

Ilang beses ka nang natakot?

Ilang beses ka nang nakaranas ng dalamhati at sakit?


Ilang beses ka nang umiyak sa gabing walang ibang nakakakita at nakakarinig kundi ang puting unang kayakap mo? At ilang beses ka na bang nakatulog habang umiiyak?



Ilang beses na nga ba na lahat ng kalagayan mong yan ay nahahatid kang magtanong sa Dios, kung nasaan Siya, kung nakikita ka ba Niya, kung nadadama ka ba Niya, kung natutulog ba Sya?


Nahahatid sa pagkalugmok at di makabangon!

Nahahatid sa panlalamig at pagtalikod!


Ngunit, ang tanong sa lahat ng mga bagay na iyong naranasan INIWAN KA BA NG DIYOS?


TUNAY NA PANGYAYARI


Hindi na ako babanggit ng tunay na pangyayari sa buhay sa ibang Kristiyano, kundi ako mismo bilang Kristiyano ay nahatid sa pangit at negatibong pangyayari sa buhay. 


Ilang beses na ba na ako mismo ang nasa ganyang kalagayan, at tumitingin ako sa langit at nagtatanong ng asan ang Dios, nakikita Nya ba ako?

Kung hindi titingala sa langit, ano man ang ginagawa ko, nagtatanong ang puso ko, kung nadarama ba ng Dios ang nararamdaman ko.

Pagluha ang sumasagot sa tanong ko!

Nahahatid na maslalong ilayo ang sarili sa Dios!

Napagod ako. Pagod na pagod. 

Bagsak, lugmok, at di makabangon! 


Sa kabila ng pangyayari sa buhay nating ito kristiyano, iniwan ba talaga tayo ng Dios?


SA BIBLIA

Sa Biblia, lagi nating mababasa na ang Dios ang nakikipaglaban para sa Kaniyang bayan. 


Naalala nyo ba ang buhay ni Elias?


Siya ay pinagtagumapay ng Dios sa "lahat" ng pakikipagbaka niya sa Reyna Jezabel ng Israel at kahit sa mananamba ni Baal.

Ngunit, nakaranas si Elias na mapagod, malugmok, bumagsak, at umiyak.

Siya ay nakaranas na humiling sa Dios na mamatay na!


Ngunit, ang Dios ay totoong naging mabuti sa Kaniya. Hindi siya iniwan ng Dios, hindi siya pinbayaan ng Dios, at hindi siya tinakwil ng Dios. 

Bagkus sa kasaganahan ng kaniyang kahinaan ang biyaya ng Dios ay higit na sumagana sa kaniya. 


KATOTOHANAN SA MGA KRISTIYANO NGAYON

Madalas nating isipin na sa mga kahinaan natin ay hindi tayo nakikita ng Dios, walang pakialam saatin ang Dios, at higit sa lahat nilimut tayo ng Diyos.

Ngunit, sa lahat ng ito tayo ay MADALAS na nagkakamali. tignan mo ang buhay ni Elias, aakalain ba natin siya ay manghihina sa kabila ng pagtatagumpay na kaniyang nararanasan? Ngunit, ang Dios ay hindi sya iniwan, hindi sya pinabayaan, at kailanman ay hindi sya nilimot.

Katulad din tayo ni Elias, nagtatagumpay at nanghihina, ngunit anoman ang ating nararanasan, mabuti o masama ang Diyos ay hindi tayo iniwan, pinabayan at nilimut.

WALANG ORAS NA HINDI KA INIISIP AT INAALALA NG DIYOS. BAKIT? MAHAL KA NIYA. ANG KANIYANG PAG-IBIG SAIYO AY HINDI KAILANMAN MAPAPANTAYAN NINOMAN AT NG ANOMAN SA MUNDONG ITO.


SA DIYOS ANG LAHAT NG KAPURIHAN!