Magpasalamat palagi sa Dios.


Sa panahong ipinamumuhay natin ngayon, masasabi kong marami sa nabubuhay ang hindi marunong magpasalamat sa Dios. Ako ba ay tumitingin at nagiisip ng negatibo patungkol sa kaninoman? Hindi! ito ay pagpapahayag ng katotohanan.

katotohanan na sana ay tanggapin nating lahat. Ngunit, hindi ito nangyayari sa kasalukuyan, bakit?  dahil maaaring magpahayag tayo agad saating mga sarili na tayo ay nagpapasalamat sa Dios. 

Maging totoo din saatin ang kasabihang "ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS." 

Hindi maitatanggi ang katotohanang ito KAILANMAN!

Hindi man tayo nagsasalita ng anomang gusto nating sabihin, ang ating mga aksyon ay agad na nagpapahayag nito.

Aminin man natin o hindi, masmabilis magsalita ang ating mga aksyon kesa ating mga bibig LALO NA SA PANAHON NATING NGAYON. 

Nagpapasalamat ka ba? kung Oo, ito ba ay nagpapahayag sa iyong mga aksyon sa kasalukuyan?

Nakakalungkot isipin na sa kasalukuyan, ang maririnig natin sa mga tao ay puro daing, hinaing, hindi kakuntentohan, pagnanais ng mga bagay na makasanlibutan ng higit sa kanilang kaya. 

May malaking bahagi ang Social Media sa nangyayari sa pagiisip ng maraming tao ngayon. Aminin man natin o hindi madaling makahikayat at mainggit ang maraming tao ngayon, mapabata o mapamatanda man sa kanilang kapuwa dahil sa kanilang nakikitang pinopost sa Social Media. 


Isa ka ba?


Ang Biblia ay mayroong sinasabi patungkol sa inggit.

Ano - anu ito?

Santiago 3:14-16 

(14) Ngunit kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagiging makasarili sa inyong puso, huwag kayong magmalaki at huwag kayong magsinungaling laban sa katotohanan.

(15) Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi makalupa, makalaman, may sa demonyo.

(16) Sapagkat kung saan mayroong paninibugho at pagiging makasarili, doon ay mayroong kaguluhan at bawat gawang masama.

Kawikaan 14:30 Ang tiwasay na puso ay nagbibigay-buhay sa laman, ngunit ang pagnanasa, sa mga buto ay kabulukan.

1 Corinto 13:4 Ang pag-ibig ay matiisin at magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi maiinggitin, o mapagmalaki o hambog;

Santiago 3:16 Sapagkat kung saan mayroong paninibugho at pagiging makasarili, doon ay mayroong kaguluhan at bawat gawang masama.

Kawikaan 27:4 Ang poot ay malupit, at ang galit ay nakakapunô, ngunit sinong makakatayo sa harap ng paninibugho?

Galatians 5:19-21 

(21) Ngayon ay hayag ang mga gawa ng laman, ang mga ito ay pakikiapid, karumihan, kahalayan,

(22) pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, alitan, pagtatalo, paninibugho, pagkagalit, pagkamakasarili, pagkakabaha-bahagi, mga pagkakampi-kampi,

(23) pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at ang mga katulad nito. Binabalaan ko kayo, gaya ng aking pagbabala noong una sa inyo, na ang mga gumagawa ng gayong mga bagay ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.

1 Peter 2:1 Kaya't iwaksi ninyo ang lahat ng kasamaan, pandaraya, pagkukunwari, inggitan, at lahat ng paninirang-puri.

Ecclesiastes 4:4 Nang magkagayo'y nakita ko na lahat ng pagpapagod, at lahat ng kakayahan sa paggawa ay nagmumula sa pagkainggit ng tao sa kanyang kapwa. Ito man ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin.



INGGIT AY HINDI MABUTI SA KANINOMAN 
Ang inggit ay hindi kailanman makakabuti sa sinomang tao, sila may Kistoyano o hindi. 

Naalala ko ang totoong pangyayari sa Biblia, magkapatid na naghandog sa Dios na para sa kanila ay mabuting kaloob sa Dios. 

Sila ay si Cain at si Abel. Genesis 4:1-10. - Sa mga talatang ito mababasa natin kung ano ang kanilang ginawa. 

Pareho silang naghain ng handog sa Dios ngunit isa lamang ang nilingap at ito ay ang kay Abel. Dahil dito, hindi matanggap ni Cain na ang kaniyang handog ay hindi tinanggap ng Dios. Kaya naman siya ay nainggit! Ang inggit na nasa puso ni Cain para kay Abel ay hindi lamang basta inggit o mababaw na pagkainggit kundi ito ay inggit na may galit.

Malaman natin na ang masamang ugali lalo na ang pagkainggit ay hindi lamang nanatili sa pagkainggit kundi ito ay nanganganak pa ng mashigit na masasamang ugali o paguugali. 

Tulad ng kay Cain, hindi lamang nanatiling inggit ang kaniyang nadama kundi nagnanasa ang kaniyang puso na patayin si Abel. Bakit kaya?

Maaaring naisip ni Cain na kung mapatay si Abel, lahat ng nasa kaniya ay mapupunta na sa kaniya o mapasakaniya. Maaaring sa ganitong paraan ay mapansin ng Dios si Cain at kaniyang handog. At maaaring naisip ni Cain na wala na siyang iba pang magiging karibal o hihigit pa sa kaniya.

Nakikita mo ba ang kasamaan sa pagkainggit?

Maraming nagsasabing ang inggit ay nagiging motibasyon nila upang sila ay magsipag o magsumikap para makuha o matanggap nila ang mga bagay na gusto nilang matanggap.

Ngunit naitanung nyo ba kung sa paanong paraan nila natanggap o nakuha ang nais nilang makamtan?

Marami, 'di ko sinasabing LAHAT, ay sa hindi mabuting karanasan nila nakuha mga bagay na mayroon sila. 

Naiinggit ka ba, Kristiyano?

Kaya marami saating mga Kristiyano ang hindi mapagpasalamat? Mga nalimut ang mga araw ng gawain ng Panginoon? Mga nalimutan na iba ang kalooban ng Dios sa kanila? Na ang kanilang mga mata ay napako na sa mga bagay ng sanlibutan at nagnanasa ng mga bagay na ito ng higit?


PAALALA NA MAY PAGIBIG 
Hindi lahat ng tao ay pinagpapala ng Dios. Alalahanin mo, kahit si satanas ay nagpapala din ng mga tao hindi sa kanilang ikabubuti kundi sa ikasasama at ikamamatay ng kanilang mga kaluluwa. 

Ang Dios ay nagnanasang pagpalain ka, ng higit sa iyong inaasahan. Gawin lamang natin ang Kaniyang sinabi sa Malachi 3:9-11(9)Dalhin ninyo ang buong ikasampung bahagi sa kamalig upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at sa gayo'y subukin ninyo ako ngayon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Tingnan ninyo kung hindi ko bubuksan para sa inyo ang mga bintana ng langit, at ibubuhos ko sa inyo ang isang pagpapala na walang sapat na kalalagyan. (10) Aking sasawayin ang mananakmal alang-alang sa inyo, kaya't hindi nito sisirain ang mga bunga ng inyong lupa; at ang inyong puno ng ubas sa parang ay hindi mawawalan ng bunga, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. (11) Tatawagin kayong mapapalad ng lahat ng mga bansa, sapagkat kayo'y magiging lupain ng katuwaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. - IBIGAY ANG IKASAMPUNG BAHAGI SA DIOS. 

EPEKTO NG INGGIT 

A. Sa pagkainggit sa iba, NALIKIMUTAN NATING MAGPASALAMAT SA DIOS "PALAGI". Imagine Christians only saying "GOD IS GOOD ALL THE TIME" when they knew they have blessings in front of them, but when it seems the hands of the Lord are too far they forget to say thank you. Small blessings for them are not enough! They easily asking God why they don't have the blessing like the others! 

B. Sa pagkainngit sa iba, pinapatay mo ang kaligayahan at kapayapaang di masayod na ibinigay ng Dios na para lamang sayo. Filipos 4:7 "At ang kapayapaan ng Diyos, na hindi maabot ng pag-iisip, ang mag-iingat ng inyong mga puso at mga pag-iisip kay Cristo Jesus.

Dahil dito, hindi natin naiingatan ang ating pagiisip at puso sa Dios. We easily fall apart, disappointed, sad, and moody because we fix our eyes on others' success and blessings! 

C. Sa pagkainggit sa iba, we closed our hands to reach for us to give. Nagiging madamot tayo dahil ang center na ng attetion natin ay hindi ang immediate needs ng iba (nasa paligid natin) kundi yung GUSTO na natin. Ang saklap, yung WANTS natin ngayon ang nanaig. 

Wants na kapag nasa atin na hindi na tayo makuntento o masapatan, gusto natin ay mahigitan pa. 

D. Sa pagkainggit sa iba, WE ASK EARTHLY THINGS IN THE LORD. Hindi natin namamalayan, humihingi na tayo sa Dios na makamundong mga bagay, tulad ng sasakyan, bahay, at nga bagay na tulad nito. Masama ba ito? Hindi! Ngunit, ito na ang nagiging laman ng puso natin! No space for heavenly things.


Mga kapatid, 
Ang nais ng Dios sa mga huling araw na ito na tayo ay matutung magpasalamat sa Kaniya. Hindi kailangang mainggit sa kaninoman, bagkus asahan ang Dios sa lahat ng mga bagay na makapangyayari sa atin. Hindi man tayo magkaroon ng kasikatan tulad ng marami at wala man tayong yaman tulad ng iba huwag tayong mainggit, alalahanin mong masmayaman ang Dios na ating pinaglilingkuran. 

Ibibigay ng Dios ang mga bagay na nais ng puso natin ayon sa Kaniyang kalooban matutu lamang tayong magpasalamat sa Dios ngayon, bukas, at palagi. 



LAHAT NG PAPURI AY SA DIOS.