![]() |
Sa panahon natin ngayon maraming magulang ang nakakalimutan ang kanilang obligasyon bilang maging magulang sa kanilang mga anak.
Ang iba kasi dahil sa maagang pag aasawa at maagang pagbubuntis.
Hindi talaga nila alam ang mangyayari kung sila ay magiging ina o maging
magulang na ng hindi ayon sa panahon o maaga kesa sa nararapat na taon.
Nadagdagan pa ng mga gadgets ngayon na tunay naman na nakakapaglibang sa mga tao, maging mga bata man o maging matanda.
Kaya ang nangyayari himbis na maturuan ng mga tamang asal at pag uugali ang mga bata, hindi na ito nagagawa ng mga magulang dahil sila man ay abala na rin sa paggamit ng gadget sa paglalaro at paglilibang na totoong kumukuha ng kanilang maraming oras.
Kaya ang mga anak nila ay
pinababayaan na lamang nila kung ano ang ginagawa, hinahayaan na rin nilang mag
gadget na rin para hindi na rin sila maistorbo.
Ang ibang mga magulang naman nagtuturo sa mga bata ng mga bagay ng sanlibutang ito. Pagtitiktok, pag gaya sa mga nauusong mga sayaw.
Ang iba naman pinapasali na ang knailang mga anak sa mga paligsahan gaya na
lamang ng mga beauty contest upang mas higit na makilala at maging tanyag ang
kanilang mga anak.
ANO BA ANG LAYUNIN NG DIOS NG PAGKAKAROON MO NG ANAK?
Bilang magulang tayo ay inuutusan ng Dios kung
paano natin dapat na palakihin ang ating mga anak at bilang magulang unang
obligasyon natin ay ang ating mga anak.
Kawikaan
22:6 Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang
lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
I.
Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang
lakaran
Paano mo tinuturuan ang iyong anak sa mga araw na ito?
Ano
ang itinuturo mo sa kanya? ang magsayaw sa tiktok? Ang maglaro ng mga games sa
gadget? Ang mamasyal sa mga malls o lugar pasyalan? Ang sumunod sa kung ano ang
usong pananamit? At Usong pananalita at mga bagay ng sanlibutang ito?
Malinaw ang utos ng Dios, na nais Niyang turuan natin ang ating mga anak ng dapat niyang lakaran;
Bawat isa sa atin ay dumaan bilang isang anak, nalalaman natin kung paano tayo tinuturuan ng ating mga magulang ng mabubuting asal at maayos na pamumuhay.
Ang anumang itinuturo sa atin ay iyon ang nalalagay sa ating isipan lalo na kung mga bagay na mabuti.
Lalo na ang pagtuturo DAPAT natin patungkol sa Dios at sa kalooban ng Dios.
Nang panahon ng Biblia gayon na lang ang pagtuturo ng mga
magulang sa kanilang anak patungkol sa Dios.
Deuteronomio 6:4 Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon:5 At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.6 At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso;7 At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.8 At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo.9 At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay at sa iyong mga pintuan-daan.
Ito ang utos ng Dios sa bayang Israel hindi lamang sa mga ina ng tahanan kundi maging sa ama rin ng tahanan.
Ibig sabihin ang lahat ng mga magulang ay inuutusan ng Dios kung paano nila tuturuan ang kanilang mga anak, makikita mo na kahit anong posisyon nila, maglakad, maupo, nahihiga o bumabangon man ay patuloy nilang pag uusapan o ituturo o ipakikilala ang Dios.
SA AKING PERSONAL NA KARANASAN
Natutuwa nga ako ng mga panahon namin, lumaki ako na ang aking ina ay madisiplina, madalas din siyang nagpupunta sa simbahan at isinasama din naman niya ako.
May oras kami sa pagkain, may oras sa paglalaro at may oras ng pag uwi ng bahay.
Dapat alas 6 ng gabi ay nasa bahay na, kami ay tunay na may takot sa aming mga magulang, alam namin na kapag kami ay makakagawa ng kasalanan o pagsuway kami ay makakaranas ng kaparusahan.
Ngunit
sa kabila pa rin ng ganitong mga bagay na kami ay takot sa aming mga magulang
at takot sa kaparusahan, bilang isang bata o teen ager kami ay nakakagawa pa
rin ng labag sa mga utos ng aming mga magulang.
Paano pa kaya sa panahong ito? Ang mga anak o mga kabataan na hindi na naturuan ng mga mabubuting asal?
Hindi na halos makapagsalita ang kanilang mga magulang dahil mas matapang pa sila sa kanilang mga magulang.
At sa isinabatas na sa ating panahon ay ipaingababawal ang pamamalo sa mga anak o bata.
Ngunit ang Biblia ay hindi sang-ayon sa bagay na ito.
Kawikaan 23:13 Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't
kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.
Hindi masama ang pagpalo sa mga bata, kung ipaliliwanag mo rin sa kanila ang kanilang nagawang kasalanan.
Malaman po
natin na kung tama ang ating pagpapalaki sa ating mga anak noong bata pa lamang
sila, naituro natin ang gusto nating dapat nilang lakaran gaya ng sinasabi sa
ating texto muli nating basahin:
Kawikaan 22:6 Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
II. Pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
Kung tama na ang kanilang napakinggan sa kanilang mga magulang, kung naituro na sa kanila ang tamang landas na kanilang tatahakin, wala na tayong ipagkakabahala pa dahil sigurado tayo na sa kanilang pagtanda ay hindi na ito mahihiwalay sa kanila.
III.
Mga Pangunahing dapat na ituro sa mga bata.
1 A. Turuan natin ang
mga bata na matakot sa Dios-
3 Turuan natin ang mga bata na lumakad na ayon
sa kalooban ng Dios at gumanap sa Kaniyang mga utos.
IV.
Mga
benepisyo ng pagtuturo sa mga bata:
1 1. Kung matuturuan natin ang mga bata na matakot sa Dios
aA -- Silang natatakot sa Dios ay kikilalanin ng Dios
na sila ay matutuwid.
Prov 14:5 There were they in great fear: for God is in the generation of the righteous.
b -- Silang natatakot sa Dios ay pagpapalain ng Dios.
Psa 67:7 God shall bless us; and all the ends of the earth shall fear him. 7 Pagpapalain kami ng Dios: at lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya.
cC. -- Silang matatakot sa Dios sila ay mapapabuti at
kanilang mga anak.
Deut 5:29 Oh mamalagi nawa sa kanila ang kaloobang ito, na sila'y matakot sa akin, at kanilang ingatan kailan man ang lahat ng aking mga utos upang ikabuti nila at pati ng kanilang mga anak magpakailan man!
2. Kung matuturuan natin ang mga bata na umibig at sumunod/tumutupad sa mga kautusan ng Dios:
a) Sila ay kahahabagan ng Dios
Exodus 20:6 At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
b)
Sila ay mamahalin ng Ama na nasa langit at maging
ng ating Panginoong Jesus.
Para sayo na magiging magulang palamang:
Ikaw ay maaring isang ina o magiging magulang palamang at lahat tayo ay dumaan sa pagiging isang anak at naturuan ng ating mga magulang ng dapat na iasal.
Ngunit maliwag sa Biblia na ikaw ay dapat magturo ng hindi lamang ng isang mabuting asal, kundi ang mga pagkatakot, pag-ibig, at ang pagsunod sa kalooban ng Dios.
Para saiyo na anak:
Kung kayo ay mga bata o mga
teenager pa na wala pang mga anak o pamilya malaman mo na dapat kang sumunod sa
iyong mga magulang dahil kung ano ang patutunguhan mo ito ay hindi na dahil sa
iyong mga magulang kundi ikaw na ang pumili ng iyong magiging kalagayan. Kung anong
klaseng anak ka ngayon ikaw ang pumili ng kinalalagyan mo ngayon.
Kung ikaw naman ay magulang na,
hindi pa huli ang lahat upang iyong disiplinahin ang iyong anak, ituro mo sa
kanya ang bawat nais ng Dios na kaniyang malaman. Pangunahin na ang pagkatakot
sa Dios dahil kung wala silang takot sa Dios ay hindi nila maiibig ang Dios ng
kanilang buong katauhan at kung hindi nila maiibig ang Dios hindi nila
masusunod ang utos ng Dios.
Malaman natin na responsable tayo sa ating mga anak habang sila ay bata pa, gawin natin ang ating mga parte dahil kung sila ay matanda na, sila na ang magiging responsable sa kanilang mga desisyon.
Inaakay ko ang bawat isa na huwag kayong magkulang ng pagbibigay sa kanila ng
mabuting halimbawa habang sila ay bata pa lamang.
Ito ay nakadepende kung ikaw ba ay
naturuan, nadisiplina at napalaki ng tama ng iyong mga magulang at kung iyong
sinunod din naman.
TANDAAN MO ITO:
Kung anong klaseng anak ka ngayon,
huwag mo itong isisisi kung kaninoman dahil nahatid ka sa kasalukuyang
kalagayan mo dahil iyan ang pinili mo.
ANONG KLASENG ANAK KA NGAYON?
TO GOD
BE THE GLORY!
0 Comments