Sino sa inyo na kapag kayo ay nadadalaw ng sinomang mahal ninyo sa buhay, kamag anak o mga kaibigan ay tunay na natutuwa kayo?  Ang mga taong may sakit, mga nasa ospital o nasa banig ng karamdaman ay tunay na nangangailangan ng dumadalaw sa kanila. Maging ang mga tao na matagal na hindi nakikita, kapag sila ay dinalaw nito ay lubos ang kagalakan na kanilang mga nadarama, hindi matutumbasan ang tuwa na kanilang mararanasan o mararamdaman.

Mas higit siguro kung ang ating Panginoon ang dadalaw sa ating tahanan. Ano kaya ang ating gagawin, magmamadali tayong sasalubungin Siya at paglilingkuran. Uupo ba tayo sa Kanyang paanan gaya ng ginawa ni Maria upang makinig sa Kanyang salita o magiging katulad ng ginawa ni Martha na mas uunahin ang pag-aasikaso ng mga kakanin ng ating Panginoong Jesus? O atin siyang pagtataguan dahil hindi natin Siya gustong makita. 

Handa ba tayong dalawin ng Panginoon?

 Isaias 29:6 Siya'y dadalawin ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kulog, at ng lindol, at ng malaking kaingay, ng ipoipo at bagyo, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy.

 Isaias 29:6 Thou shalt be visited of the Lord of hosts with thunder, and with earthquake, and great noise, with storm and tempest, and the flame of devouring fire.

I.            VISITED- means here

1.     TO VISIT (WITH FRIENDLY OR HOSTILE INTENT) Bisitahin, dalawin, at puntahan,

2.     TO NUMBERED-- bilangin. Ito ay nangangahulugan din ng pagtakda ng Dios ng Kaniyang araw at oras ng pagbisita Nya sa mga tao.

3.     TO PUNISH -- parusahan, disiplinahin, at pagbuhatan

4.     TO APPOINT-- humirang, magtakda, at maglaan

5.     TO COMMIT-- gumawa, mangako, at ilagak

Ang Dios kapag siya ay dumadalaw sa mga tao ay laging mayroong Siyang layunin ito ay maaaring bisitahin, dalawin, puntahan ang mga tao, maaari rin namang upang sila ay parusahan, disiplinahin o maaari din namang siya ay humirang o gumawa o magdala ng pangako sa mga tao. Kaya ang pagdalaw ng Panginoon ay dapat nating asahan sa ating buhay sa mundong ito.

 II.         SINO SINO ANG MGA TAONG DINALAW NG PANGINOON?

1.     Si Adan at Eva ay dinadalaw ng Dios palagi, mayroon silang panahon o oras na sila ay magtatagpo sa hardin ng Eden, kaya ang mga unang nilalang ng Dios ay tunay na pakikipagtagpo sa Dios sa pamamagitan ng pagdalaw o pagbaba ng Dios mula sa langit. Kaya nga noong sila ay hindi nakita ng Dios sa kanilang tagpuan ay hinanap sila ng Dios.

Gen 3:8  At narinig nila ang tinig ng Panginoong Dios na lumalakad sahalamanan sa kulimlim ng araw: at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan.

 Kanilang narinig ang Dios dahil sila ay dinalaw ng Dios sa panahon na sila ay dapat na makikipagkita sa Dios. Ito ang panahon na dapat na sila ay makikipagfellowship sa Kanya.

 GEN 21:1 And the Lord visited Sarah as he had said, and the Lord did unto Sarah as he had spoken. 

2.   Si Sarai ay dinalaw ng Panginoon- Si Sara ay asawa ni Abraham na isang matandang babae at isang baog. Ngunit dahil sa pagiging masunurin ni Abraham sa Dios, siya ay pinangakuan ng Dios na magiging isang ama, ang kaniyang pagiging ama ay makapangyayari sa sarili niyang laman. Ang pangakong pagiging ama ay magmumula sa kanyang tunay na asawa na si Sara.

Gen 17:19 At sinabi ng Dios, Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.

Hindi lamang minsan dumalaw ang anghel ng Dios kay Abraham upang ipaalam ang tipan ng Dios para sa kanyang asawang si Sara.

Gen 18: 10 At sinabi nila sa kaniya, Saan naroon si Sara na iyong asawa? At sinabi niya Narito, nasa tolda.

10 At sinabi niya, Walang salang di ako babalik sa iyo sa ganitong panahon ng taong darating; at narito't si Sara na iyong asawa ay magkakaanak ng isang lalake. At narinig ni Sara sa pintuan ng tolda, na nasa likod niya.

Makita natin na ang Dios ay hindi kumakalimot sa kanyang pangako, kaya nga dumating ang muling pagdalaw ng Panginoon sa talatang ating nabasa. Na ang Panginoon ay dumalaw kay Sara upang Kanyang tuparin ang kanyang pangako dito,

Gen 21:1 At dumalaw ang Panginoon kay Sara, ayon sa sinabi niya, at ginawa ng Panginoon kay Sara ang ayon sa kaniyang sinalita. At si Sara ay naglihi at nagkaanak ng isang lalake kay Abraham sa kaniyang katandaan, sa tadhanang panahong sinabi ng Dios sa kaniya. At tinawag na Isaac ni Abraham ang ngalan ng kaniyang anak na ipinanganak sa kaniya, na siyang ipinanganak ni Sara.

Ang Dios ay dumalaw kay Sarah upang tuparin ang Kaniyang ipinangako kay Abraham.

3.   Si Jose ay dinalaw ng Panginoon- si Jose ay apo sa tuhod ni Abraham.

Gen 39: 2 At ang Panginoon ay suma kay Jose, at naging lalaking mapalad; at siya'y nasa bahay ng kaniyang panginoong taga Egipto. At nakita ng kaniyang panginoon, na ang Panginoon ay sumasakaniya, at ang lahat ng kaniyang ginagawa ay pinagpapala ng Panginoon sa kaniyang kamay. At nakasumpong si Jose ng biyaya sa kaniyang paningin, at pinaglingkuran niya siya: at sa kaniya'y ipinamahala niya ang bahay, at ang lahat niyang tinatangkilik ay isinakaniyang kamay.

Si Jose ay isa sa mga anak ni Jacob sa kanyang pinakamamahal na asawang si Raquel. Siya rin ay tunay na pinakamamahal ni Jacob dahil ito ay anak niya sa kanyang katandaan.

Gen 37: 3 Minamahal nga ni Israel si Jose ng higit kay sa lahat niyang anak, sapagka't siya ang anak ng kaniyang katandaan: at siya'y iginawa ng isang tunika na may sarisaring kulay. At nakita ng kaniyang mga kapatid na siya'y minamahal ng kanilang ama ng higit kay sa lahat niyang kapatid; at siya'y kinapootan, at hindi nila mapagsalitaan siya ng payapa.

Dahil nga ang Panginoon ay sumasa kay Jose hindi siya pinabayaan nito sa mga ginawang mga kasamaan ng kanyang mga kapatid, nandoon na siya ay pinagtangkaang patayin ng kaniyang mga kapatid, inihulog sa balon,  ipinagbili sa0 mga Midianita,

Gen 37-50 Inyo na lamang po itong basahin ang mga nakapangyari sa buhay ni Jose, mula sa mga ginawa sa kanya ng kaniyang mga kapatid, maging ang pagkabihag niya sa mga kamay ng mga Medianita at marami pang mga nakapangyari sa kanyang buhay na pagtangkaan na iseduce siya ng asawa ni Potiphar hanggang sa pagkakulong. Hanggang siya ay magkaroon ng pinakamataas na katungkulan sa Ehipto. Hanggang sa muli niyang pagkakakita sa kaniyang mga kapatid. Makita natin na ang Dios ay hindi nagpabaya kay Jose kungdi bagkus sa kabila ng maraming kahirapan ang kaniyang naranasan ay patuloy siyang sinasamahan ng Dios. At maging ang kaniyang mga kapamilya ay dinalaw din ng Dios sa pamamagitan ng pagliligtas sa kanila sa kagutuman.

Gen 50:24 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: Ako'y namamatay: nguni't tunay na dadalawin kayo ng Dios, at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na kaniyang isinumpa kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob. 25 At ipinasumpa ni Jose sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Tunay na dadalawin kayo ng Dios, at inyong iaahon ang aking mga buto mula rito.

Makita natin na ang Dios ay tunay na dumadalaw sa mga tao, lalo na sa Kaniyang bayang Israel kaya nga nagpadala pa Siya ng Kanyang lingkod upang gamitin sa pagliligtas sa Kanyang bayang minamahal.

4.   Si Moises at bayang Israel ay dinalaw ng Panginoon-

Exodo 3:16 Yumaon ka at tipunin mo ang mga matanda sa Israel, at sabihin mo sa kanila, Ang Panginoon, ang Dios ng inyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob; ay napakita sa akin, na nagsasabi, tunay na kayo'y aking dinalaw, at aking nakita ang ginagawa sa inyo sa Egipto.

Exodo 4:31 At ang bayan ay naniwala: at nang kanilang marinig na dinalaw ng Panginoon ang mga anak ni Israel, at kaniyang nakita ang kanilang kapighatian, ay iniyukod nga nila ang kanilang mga ulo at sumamba.

Sa anumang oras ay dumadalaw ang Panginoon sa Kaniyang bayang Israel, kaya alam Niya kung ano ang mga kinahaharap ng Kaniyang mga anak, gaya ng ating nababasa sa Kaniyang salita na ang Dios ay hindi natutulog o naiidlip man na hindi Niya nalalaman ang bawat mga pinagdaraanan ng kaniyang bayan. Lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa paningin ng Dios, kaya nga noong sila ay dumalangin sa Dios sila ay pinakinggan ng Dios sa kanilang mga daing at panalangin na sila ay palayain sa bayang matagal na umalipin sa kanila. Kaya ang Dios ay dumadalaw sa kanila upang sila ay mailigtas din naman.

5.   Si Hannah ay dinalaw ng Pangiooon- Si Hannah ay isang baog na babae na lubhang lumapit sa Dios upang siya ay pagkalooban ng anak, dahil sa kaniyang patuloy na pananalangin ay hindi siya binigo ng Panginoon at siya ay dinalaw nito at binayayaan ng mga anak.

1 Samuel 2:21 At dinalaw ng Panginoon si Ana, at siya'y naglihi, at nagkaanak ng tatlong lalake at dalawang babae. At ang batang si Samuel ay lumalaki sa harap ng Panginoon.

By noon

III.       MGA DAHILAN NG PAGDALAW NG PANGINOON

1. UPANG IPABATID ANG KANILANG MGA KASALANAN- may mga pagkakataong kaya dumadalaw ang Panginoon sa mga tao ay upang maipakilala sa kanila ang kanilang mga nagagawang kasalanan sa Kanya.

Gen 3:9 At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya'y sinabi, Saan ka naroon?

10 At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako'y natakot, sapagka't ako'y hubad; at ako'y nagtago.

11 At sinabi niya, Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? nakakain ka ba ng bunga ng punong kahoy, na iniutos ko sa iyong huwag mong kanin?

12 At sinabi ng lalake, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain.

13 At sinabi ng Panginoong Dios sa babae, Ano itong iyong ginawa? At sinabi ng babae, Dinaya ako ng ahas, at ako'y kumain.

EXO 32:34  At ngayo'y yumaon ka, iyong patnubayan ang bayan sa dakong aking sinalita sa iyo: narito, ang aking anghel ay magpapauna sa iyo: gayon ma'y sa araw na aking dalawin sila ay aking dadalawin ang kanilang kasalanang ipinagkasala nila.

2.  UPANG SILA AY KAHABAGAN - ang Panginoon ay dumadalaw sa mga tao upang maipakita niya ang patuloy Niyang kahabagan at mga saganang kaawaan sa mga tao. Ang Dios ay nahahabag sa Kanila na patuloy na sumusunod sa kanyang mga kautusan. Makita rin natin na kung tayo ay aalis sa ating mga kasalanan ang kahabagan ng Dios ay mananagana sa atin at maging ang ating mga anak ay Kanya rin namang kahahabagan.

EXO 34:6   At ang Panginoo'y nagdaan sa harap niya, na itinanyag, Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan; Na gumagamit ng kaawaan sa libolibo, na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalangsang, at ng kasalanan: at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin; na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak, at sa mga anak ng mga anak, hanggang sa ikatlo at ika apat na salin.

3. UPANG SILA AY HATULAN SA KANILANG PAGSALANGSANG- Ang pagdalaw ng Panginoon ay sa kanila na patuloy na naglilingkod sa mga dios na gawa ng kanilang mga kamay at pagsalangsang sa kaniyang mga utos upang sila ay hatulan Niya sa takdang kapanahunan.

DEUT 5:9 Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin;

Ang sinoman na yumuyukod o naglilingkod sa mga dios-diosan o mga dios na gawa ng mga kamay ng tao, o kahit man na mga nilalang lamang ng Dios ay ayaw Niyang paglingkuran ng mga tao, ito ay karumaldumal sa Kanyang harapan, ang mga bagay na ito ay pagsalangsang sa Kanya.

AWIT 89:32 Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, at ng mga hampas ang kanilang kasamaan.

4. UPANG SILA AY BIGYAN NG KANILANG PANGANGAILANGAN-ang Panginoon ay dumadalaw upang ang bawat mga tao ay mabigyan niya ng kanilang mga pangangailangan, hindi kalooban ng Dios na sila ay magkulang sa kanilang mga pang araw araw na kailangan.

RUTH 1:6  Nang magkagayo'y bumangon siya na kasama ng kaniyang dalawang manugang upang siya'y bumalik mula sa lupain ng Moab: sapagka't kaniyang nabalitaan sa lupain ng Moab kung paanong dinalaw ng Panginoon ang kaniyang bayan sa pagbibigay sa kanila ng tinapay.

AWIT  65:9  Iyong dinadalaw ang lupa, at dinidilig mo, iyong pinayayamang mainam; ang ilog ng Dios ay puno ng tubig: iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.

10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana; iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal; iyong mga pinalalambot ng ambon; iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.

11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan; at ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.

12 Nagsisipatak sa mga pastulan sa ilang; at ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.

13 Ang mga pastulan ay nangabihisan ng mga kawan; ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo; sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.

5.  UPANG SILA AY ILIGTAS - ang Panginoon ay dumadalaw sa mga tao upang ang mga tao ay mailigtas din naman niya.

Jer 27:22 Mangadadala sa Babilonia, at mangapaparoon, hanggang sa araw na dalawin ko sila, sabi ng Panginoon; kung magkagayo'y isasampa ko sila, at isasauli ko sa dakong ito.

Jer 29:10  Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Pagkatapos na maganap ang pitong pung taon sa Babilonia, aking dadalawin kayo, at aking tutuparin ang aking mabuting salita sa inyo, sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito.

11 Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.

12 At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.

Nalaman natin ang bayang Israel ay nabihag din ng Babilonia ito ay hinayaan ng Dios na makapangyari upang sa sitwasyon na kanilang mararanasan makita nila ang kapangyarihan ng Dios kung paano sila maliligtas sa bayang pinagdalhan sa kanila ng Dios. Kung atin pa ngang alalahanin na may tiyak na bayan silang dapat na mapuntahan upang sila ay maligtas ng Dios. Kaya sila na sumunod na pumunta sa bayang hinayaan ng Dios na kanilang mapuntahan sila ay nakaranas ng pagbabalik ng Dios sa kanilang bayang ipinangako ng Dios na mapapasakanila, kung sila ay magsisitawag at susunod sa kanya.

IV.       SPIRITUAL NA APPLIKASYON:

Kung paano natin nakita ang ginawa ng Dios na pagbisita sa iba’t ibang tao sa Biblia at makita natin kung ano ang kanyang naging pakay. Nakita natin ang dahilan ng Kaniyang pagdalaw sa mga tao

1. Upang maipaalam sa kanila ang kanilang mga kasalanan, 

2. Upang sila ay makaranas ng kahabagan na galing sa kanya,

3. Upang sila ay ituwid o mahatulan sa kanilang mga pagsalangsang,

4. Upang mabigay ang kanilang mga pangangailangan, at higit sa lahat

upang sila ay maligtas din naman.


Ating tignang mabuti na ang pagdalaw ng Dios sa mga tao ay hindi lamang nakapangyati sa lumang tipan, kundi ito ay nakapangyari rin sa bagong tipan at MANGYAYARI RIN SA ATING PANAHON. 


Bakit? Upang iparanas Niya sa atin ang mga karanasang kailangan-kailangan natin. Sapagkat bawat pagdalaw ng Dios sa buhay ng tao ay tunay na may pangyayari. Pangyayari na hindi natin malilimutan.


Handa ka na bang dalawin ng Dios?

V.          TAYO AY DADALAWIN NG PANGINOON

Luke 1:68  Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel; Sapagka't kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,

Luke 1:68 Blessed be the Lord God of Israel; for he hath visited and redeemed his people,

VISITED - means here

• To inspect- siyasatin, suriin, bisitahin, at tingnan,

• To select- piliin, pumili, at humirang

• Relieve- saklolohan, tulungan,  paginhawain, pagaanin, at iligtas

 

Makita natin ang pagdalaw ng ating Panginoon dito mismo sa lupa, siya ay pinagdalangtao ng isang Birhen, na ibinigay agad ang kaniyang magiging pangalan upang maging tagapagligtas ng sanlibutan, Makita natin sa mga kahulugan ng visited ay tagapagligtas hindi lamang pagbisita.

Luke 1:31 At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS.

32 Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama:

33 At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.

35 At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios.

47 At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas.

Ang pagdalaw ng ating Panginoong Jesus dito sa lupa, kanyang pinaranas sa mga tao ang kalooban ng Dios na gawin Nya.

1.    Siya ay ipinanganak bilang tagapagligtas-

Luke 2:11 Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.

2.    Siya ay nangaral ng salita ng Dios- Siya ay nagpakita ng angking katalinuhan, puspos ng karunungan at biyaya ng Dios. Sa edad na labing dalawang taon siya ay nakikinig at nakikipagtanungan sa mga guro sa templo.

Luke 2:40 At lumalaki ang bata, at lumalakas, at napupuspos ng karunungan: at sumasa kaniya ang biyaya ng Dios. 46 At nangyari, na nang makaraan ang tatlong araw, ay nangatagpuan nila siya sa templo, na nakaupo sa gitna ng mga guro, na sila'y pinakikinggan, at sila'y tinatanong: 47 At ang lahat ng sa kaniya'y nangakakarinig ay nagsisipanggilalas sa kaniyang katalinuhan at sa kaniyang mga sagot.

3.   Siya ay mangangaral ng mabuting balita, magpapagaling ng mga may sakit at karamdaman, magpapalaya ng mga nangaaapi.

Lukas 4:18 Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi,

Mateo4:23 At nilibot ni Jesus ang buong Galilea, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao.

IV. CONCLUSION

Tunay na ang pagdalaw sa atin nga ating Panginoong Jesus ay tunay na kalooban ng Dios upang ang lahat ng mga tao ay maging laya sa mga pagkakaalipin, maging malusog at magsigaling sa mga sakit at karamdaman, at ang pinaka importanteng dahilan ng kaniyang pagdalaw dito sa lupa ay upang tayo ay  maligtas.

 

Sa masaganang biyaya ng Dios sa atin, hindi niya pinagdamot ang Kanyang Bugtong na Anak upang ang mga tao ay muli Niya ilapit sa Kaniya. Kalooban ng Dios sa kaniyang pagdalaw sa atin na tayo ay muli Niyang makapiling doon sa kalangitan.

 

Ang dapat lamang nating gawin: 

-- Iwaksi ang ating mga kasalanan ito ay ating pagsisihan at huwag ng balikan pa. 

-- Tayo ay magsisampalataya sa ating Panginoong Jesus at tanggapin siya sa ating puso upang maging ating maging sariling tagapagligtas. 

-- Tayo ay makapanatili sa Kanya hanggang sa muli Niyang pagdalaw sa atin at tayo ay makasama Nya sa Kanyang muling pagbabalik. 

-- Ang pagdalaw ng ating Panginoong Jesus ay tanda ng Kanilang pagliligtas sa sanlibutan. 

-- Tayong mananampalataya ng Panginoong Jesus ay maaari ring dalawin ng Panginoong Dios upang tayo ay kaniyang piliin upang Kaniyang makatulong kung ano ang naiwan ng Panginoong Jesus na tungkulin ay ating maipagpatuloy upang ang lahat ng mga tao din naman ay Kaniyang maligtas, agawin sa tiyak na kapahamakan.

 

Kaya huwag nating hayaan na tayo ay madalaw nila na ang kahatulan ang dumating sa atin. Gaya ng ating texto :

 

Isaias 29:6 Siya'y dadalawin ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kulog, at ng lindol, at ng malaking kaingay, ng ipoipo at bagyo, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy.

Ang mga bagay na ito ay mga kalamidad na ayaw nating mangyari o maranasan ng ating bansa o ng buong sanlibutan, kaya nga lagi nating ipinapanalangin ang mga bagay na ito na huwag nating maranasan. Makita natin na ang bawat kalamidad na dumarating ay isang pagdalaw sa atin ng Panginoon dahil tunay na ang mga tao ay lumalapit, mas higit na nananalangin sa Dios kapag nakakaranas nito.

Makita natin dito na kapag mayroon pala tayong nararanasan na pag kulog, pag lindol malaking kaingayan, ipo-ipo, bagyo, at mga liyab ng apoy na namumugnaw. Makita natin sa bawat mga pangyayaring ito ay maaaring tayo ay dinadalaw ng Panginoon, kaya lagi tayong maging handa sa kanyang pagdalaw sa atin na huwag ang paghatol ang dahilan, Kungdi ang pakanasain natin na ang pagdalaw ng Panginoon sa atin ay yaong tayo ay kukunin at ililigtas.

Sa Bagong Taon na darating makita natin sa ating sarili na kahit anong oras na tayo ay dalawin ng Panginoon tayo ay laging maging handa tunay na pagbabago sa ating buhay ay ating maranasan.  

Bagong Taon Bagong Buhay sa Panginoon!

 

TAYO AY DADALAWIN NG PANGINOON!

TO GOD BE THE GLORY