Ang sumpa at pagpapala ng Diyos



Marami ngayon ang mga may sakit at karamdaman, minsan pa nga hindi na alam kung saan pa ito nagsisigaling. 

Marami din ang namamatay sa aksidente o ibang kaparaan na sa ating mga pag-iisip hindi pa ito ang kanilang kapanahunan upang mamatay. 

Marami din ang mga nawawasak ang mga tahanan. 

Marami ang naghihirap ang buhay sa kabila ng kanilang pagkukumahog sa paghahanap buhay.  

Bakit kaya nangyayari ang mga bagay na ito sa ating kapanahunan.


KAWIKAAN 3:33 Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid.


I. DEFINITION OF CURSE- KAHULUGAN NG SUMPA

1:  harm or injury—sakit o pinsala

2:  evil or misfortune—masama o kasawian

3:  a cause of great harm or misfortune :  torment -- isang sanhi ng mahusay na pinsala o kasawian: magpahirap na mabuti


BAKIT NAGKAKAROON NG SUMPA?

Nagkakaroon ng Sumpa kung tayo ay hindi sumusunod sa kautusan ng ating Diyos. Siya ay nagbibigay ng iba’t ibang kautusan upang atin itong masunod at isabuhay din naman.

Alam natin noong unang panahon pa lamang, ang Diyos ay nagbibigay na ng  kautusan sa unang nilalang niya. Si Adan ang napagsabihan ng  Dios ng kautusan at siguradong ipinaalam nya ito kay Eva.

Genesis 2:16 At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: (17) Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.

     Ang bawat paglabag ng anumang mga kautusan ito ay may kaakibat na sumpa. Gaya nga ng pagsuway nila Adan at Eva sa kaisa isang kautusan na hindi nila nasunod na sinabi ng Diyos ito ang sumpa na nakuha nila. Pati ang ahas na tumukso sa kanila ay may sumpang natanggap

Genesis 3:14-17

Genesis 3:14 At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: (15) At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.

(16) Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya'y papapanginoon sa iyo.

(17) At kay Adam ay sinabi, Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;

Noong una ang Diyos ang nagbibigay ng kanilang mga pangangailangan, lahat ng mga bagay na kailangan nila ay naibibigay sa kanila. Ngunit ng sila ay nagkasala ang lahat ng mga bagay na kanilang kakailanganin ay dapat nilang paghirapan bago ito mapapunta sa kanila o para ito ay makamit nila. 

Sa unang ilustrasyon pa lang nga sumpa na binigay ng Diyos sa unang tao, ito ba ay nakadali sa kanilang buhay? Diba hindi? Na kapag ang bawat tao ay nagkakasala o hindi sumusunod sa Diyos, hindi siya mawawalan ng sumpa sa bawat maling ginagawa ng tao.

B.   ANO- ANO ANG MGA SUMPA?

1.    Sa mga babae sa Gen. 3:16 sinasabi dito bilang sumpa para sa pakakasala ng babae, siya ay mahihirapan manganak at dapat siyang magpasakop sa kaniyang asawa. ---

Sa natural na buhay totoo itong nangyayari, dahil kapag ang babae ay nagdadalantao, marami ang maaaring mangyari sa kanya. Sinasabi pa nga na sa oras na ang babae ay nanganganak, ang kanyang isang paa ay nakalagay sa hukay. 

Ibig nitong sabihin siya ay maaaring mamatay. 

Marami na rin ang nangyayari na kung hindi man ang ina ang namamatay maaaaring ang bata ang namamatay. 

Kaya dapat talaga tayong laging pasasakop o susunod sa Diyos upang Siya mismo ang mag-iingat sa atin sa oras na tayo ay nagdadalang tao. Ang sumpa kay Eva ay patuloy na dumadaloy sa bawat tao na di pa nakakakilala kay Cristo.

2.    Para kay Adan na sumunod sa sinabi ng kanyang asawa—ang sumpa sa kanya ng Diyos ay siya ang dapat magpagal o magpagod upang sila ay makakakain. 

   Kung atin pong aalalahanin ang unang trabaho noon ay ang pagsasaka, dapat silang magsipagtanim upang sila ay makakakain. 

   Hanggang sa ngayon ang sumpa ng Diyos na ito ay dala dala pa rin dapat ng kalalakihan, ngunit ang masakit lang na isipin sa natural na buhay ngayon, mas marami na ang nagtratrabahong mga kababaihan kesa sa kalalakihan marahil ito ang karagdagan ng sumpa ng Diyos para sa kababaihan.

3.  Sa pangyayari  sa bayang Sodom at Gomorra upang maligtas sa pagkagunaw at pagkasunog. Si Lot ay nakasumpong ng pabor sa Dios kaya siya at ang kaniyang pamilya sana ay naligtas sa pagkagunaw, sila ay sinabihan ng DIos na huwag lumingon ngunit dahil sa tindi ng pagnanasa sa kaniyang mga ari arian , ang kaisa isahang utos sa kaniya ay hindi  nagawa ng asawa ni Lot,  

Genesis 19:26 Datapuwa't ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot, at naging haliging asin. Ito ay isang sumpa na nakapangyari sa kanya sa hindi pagiging masunurin sa Diyos.

4.     Sa hari ng mga Egipcio dahil sa ayaw nilang paalisin o palayain ang bayang Israel  at kilalaning Kanyang paka Diyos ay nakaranas ng sari saring sumpa at salot na nakapag dulot sa kanila ng kahirapan, sakit at kamatayan din naman ng kanilang mga nasasakupan

5.     Ang sumusumpa sa kanilang mga magulang--- Ang pag sumpa dito ay hindi lamang ang pagsalitaan mo ang iyong mga magulang kundi kung hindi mo rin sila sinusunod, hindi mo pinakikinggan ang kanilang mga utos na sa tingin mo naman ay makabubuti sa iyo, ang kamatayan ay mararanasan mo rin.

    Leviticus 20:9 For every one that curseth his father or his mother shall be surely put to death: he hath cursed his father or his mother; his blood shall be upon him.

 

Marami pang mga sumpa ang naka abang sa mga taong hindi sumusunod sa ating Panginoong Diyos. Mababasa nga natin sa

 

Deuteronomio11:28 At ang sumpa, kung hindi ninyo didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, kundi kayo lilihis sa daan na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang sumunod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala.

 

KAWIKAAN 3:33 Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama......



II. DEFINITION OF WICKED (WIKED)- KAHULUGAN NG MASAMA---masama, mahalay, makasalanan, imoral


1.    Morally Bad- masamang asal

2.    Having or showing bad thoughts in a way that is funny or not serious- Ang pagkakaroon o pagpapakita ng masamang saloobin sa isang paraan na nakakatawa o hindi seryoso

3.    Very bad or unpleasant—hindi maganda o hindi kasiya-siya

4.    Hostile to God—galit sa Diyos

5.    Guilty of Sin- May kasalanan

6.    Guilty of Crime---Gumagawa ng krimen

 

S     SINO ANG MGA MASAMA?

Ang sinasabi pong masama dito sila ang mga taong walang takot sa Diyos. Diba kung ang sinoman ay walang takot sa Diyos kahit anong kasalanan ay kaya niyang gawin?

Kaya niyang hindi sundin ang mga kautusan ng Diyos.

Kaya niyang pumatay ng kanyang kapwa,

Kaya niyang pumatol sa asawa ng may asawa,

Kaya niyang magsinungaling,

Kaya niyang ibilad ang kanyang katawan sa kahubaran,

Kaya niyang magnakaw at lahat ng uri ng kasalanan

Kaya niyang gawin ang lahat ng masama sa kanyang buhay.

Kaya may salita ang Diyos na gaya ng ating texto na 

KAWIKAAN 3:33 Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama.

Mga habiling salita para sa hindi magsisisunod sa mga kautusan ng Diyos:

Exodo 20:3 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.

(5) Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;

Ang dinadalaw dito ay nangsasabing pagbisita Nyang may kahatulan, o pagbabayarin ang mga nagkasala sa kanya, o binabantayan. Eto ay depende sa ginawa ng ating mga ninuno dahil kung sila ay naging masuwayin sa Diyos ang tanging matatanggap din nila ay ang kahatulan ng Diyos. Take note: ikatlo at ikaapat na salin lahi.

 

Illustrasyon: Ama at Ina= Lolo at Lola= parehas

 

Hindi  nalulugod ang Diyos sa bawat tao na nagbibigay ng sarili sa kaaway na diablo, dahil nalalaman natin dalawa lamang ang ating masusunod sa mga araw na ito. 


Kung hindi tayo susunod sa kautusan ng ating Diyos tayo ay susunod sa kagustuhan ng Kanyang  kaaway ang kalaban na diablo. 


Tayo ay binigyan ng ating Diyos ng free will, kung ano ang ang ating pipiliin ang pagsunod o pag suway. Ngunit kung ating pipiliin naman ang pagsunod sa kanyang mga utos meron itong kaakibat na pangako ng pagpapala. Sabihin natin pangakong PAGPAPALA.  


KAWIKAAN 3:33 Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid.

Ito ang mga pagpapapala ng Diyos na kakamtin ng bayang Israel kung sila ay magsisisunod sa Panginoong Diyos.

Deuteronomio 11:1 Kaya't iyong iibigin ang Panginoon mong Dios, at iyong susundin ang kaniyang bilin, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga utos kailan man.

(8) Kaya't inyong susundin ang buong utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang kayo'y lumakas at kayo'y pumasok at ariin ninyo ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin;

(9) At upang inyong maparami ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi na lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

 

Proverbs 3:33 The curse of the Lord is in the house of the wicked: but he blesseth the habitation of the just.


III. DEFINITION OF BLESSETH— KAHULUGAN NG PAGPAPA


To kneel to bless God-- Manalangin upang pagpalain ng DIos

n     To be adored -- Sambahin, Pakamahalin, Gustuhin

n Blessing -- Pagpalain, Grasya, Mabuting kapalaran, Biyaya, Abundantly--Sagana,

Ang pangakong pagpapala dito ng Diyos ay walang hanggang pagpapala, continues gaya sa sinabi nya sa:

Genesis 1: 22 And God blessed them, saying, Be fruitful, and MULTIPLY, and fill the waters in the seas, and let fowl multiply in the earth.

Ang pagpapalang ito ay binigay nya sa kanyang mga nilikha. Maging ang pagpapala ng Diyos kay Abraham dahil sa pagsunod niya sa Diyos na kahit ang kanyang kaisa isang anak ay kaya niya niyang isakripisyo sa Diyos, kaya tunay naman siyang pinangakuan ng Diyos ng pagpapala

Genesis 22:17 Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway;

 (18) At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka't sinunod mo ang aking tinig.

Deut 11:27 Ang pagpapala, kung inyong didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, na aking iniutos sa inyo sa araw na ito;

 

Proverbs 3:33 The curse of the Lord is in the house of the wicked: but he blesseth the habitation of the just.



IV.    DEFINITION OF JUST---ANG MATUWID

1.    Conforming to a standard of correctness—(proper) matularin sa pamantayan ng kaayusan

2.    Acting or being in conformity with what is morally upright or good—(righteous) kumikilos o pagiging sa pag-alinsunod sa kung ano ang matuwid sa moral o mabuti

3. Being what is merited—(deserve) pagiging marapat, makatotohanan, kabutihan, kahusayan, kagalingan,

 A.   SINO ANG MGA MATUWID? 

1.    Ang taong matuwid ay lumalayo sa pagsisinungaling, hindi pumapatay, hindi pinatotohanan ang masama, hindi tumatanggap ng suhol dahil ang paggawa ng mga bagay na ito ay sumisira sa mga banal.

Exo 23:7 Layuan mo ang bagay na kasinungalingan, at ang walang sala at ang matuwid, ay huwag mong papatayin: sapagka't hindi ko patototohanan ang masama. (8) At huwag kang tatanggap ng suhol: sapagka't ang suhol ay bumubulag sa mga may paningin, at sinisira ang mga salita ng mga banal.

2.    Ang ginagawa lamang ng taong matuwid ay ang tama at tapat sa lahat ng bagay.

Ezekiel 8:5 Nguni't kung ang isang tao ay maging ganap, at gumawa ng tapat at matuwid

3.    Ang matuwid ay siyang sumusunod at ginaganap ang salita ng Diyos. 

Roma 2:13 Sapagka't hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios, kundi ang nangagsisitalima sa kautusan ay aariing mga ganap;

Espiritual na Applikasyon:

            Sa ating mga mananampalataya ngayon ay tunay pa rin ang bawat sumpa at pagpapala ng Diyos sa mga tao, kung tayo ay patuloy na susunod sa Kanyang mga kautusan at kanyang mga alituntunin sa atin siguradong may matatanggap tayong pagpapala sa ating mga buhay.

Napag aralan natin kung sino ang masama at hindi ito ang ninanais na masundan upang tayo ay hindi magkatanggap ng sumpa sa ating mga buhay. Napag aralan din naman natin ang matuwid, ito ang gusto ng Diyos na mapasa ating mga buhay  o maging ugali natin. Pangunahin na nga  na dapat nating pag-aralan ang mga salita ng Diyos upang maalaman natin ang Kanyang mga kautusan na dapat nating sikapin na masunod din naman.

 

A.   MGA MANGYAYARI SA MATUWID:

 

KAWIKAAN 3:33 Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid.

1.    Ang mga pagpapala ay susunod sa kanya.

 

Kawikaan 10:6 Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.

 

2.    Ang kanyang mga alaala ay hindi makakalimutan at patuloy na dadaloy ay pagpapala sa kanya.

 

Kawikaan 10:7 Ang alaala sa ganap ay pinagpapala: nguni't ang pangalan ng masama ay mapaparam.

 

3.    Siya ay maliligtas

 

Kawikaan 28:18 Ang lumalakad ng matuwid ay maliligtas: nguni't siyang masama sa kaniyang mga lakad ay mabubuwal na bigla.20 Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala: nguni't siyang nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan.

4.    Ang Dios ang magtataas sa kanya.

Deut 28:1 At mangyayaring kung iyong didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang isagawa ang lahat niyang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bansa sa lupa: (2) At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot.

B.   PAANO TAYO MAGKAKAROON NG PAGPAPALA?

1.   Tayo’y maging masunurin sa mga kautusan ng Diyos— Deut 11:27 Ang pagpapala, kung inyong didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, na aking iniutos sa inyo sa araw na ito;

2.   Maging masunurin sa mga magulang—Exo 20:12 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

3.   Maglingkod Sa Diyos—Exo23:25 At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios, at kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig; at aking aalisin ang sakit sa gitna mo.

4.   Magbigay ng Tithes at Mabuting kaloob sa Diyos—Malakias 3:10 Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.

KONKLUSION

     Ang lahat pala ng nangyayari sa ating panahon ay may kaugnayan din sa mga nangyari sa ating nakalipas na generasyon o mga ninuno, kung atin lamang pag aaralan ang salita ng Diyos tunay na hindi natin nanaisin ang hindi sumunod o maging tagasuway ng Kanyang mga kautusan.

Kaya pala maraming mga problema ang dumarating sa mga tao ngayon, ito ay dahil sa mga kasalanan na atin ding namana sa ating mga magulang at mga ninuno. Gaya ng mga sakit at karamdaman, ito ay maaaring dahil sa kasalanan nila noon na hanggang sa ngayon ay nakarating hanggang sa atin. Ang kahirapan dahil sa hindi nila pagkakaloob sa Panginoon ng dapat na pagkakaloob kaya’t hanggang sa ngayon sila ay naghihirap pa rin.

Kaya dapat sa ngayon ay baguhin na natin ang ating mga buhay. Bilang isang Kristiano huwag na nating hangarin ang sumpa na maaari pang makuha sa hindi pagsunod sa mga kautusan ng Diyos. Pakanasain nating makasunod sa Kanya habang tayo’y nabubuhay. Ating ipaglingkod ang ating mga buhay sa Kanya upang ang pagpapalang buhay na walang hanggan ang ating makamtan.

TO GOD BE THE GLORY!!!