![]() |
Mga Awit 37:5 "Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya at kaniyang papangyarihin." |
Ito ay matagal na sakit, hirap, at sa katotohanan na madalas ay hindi pa natin maintindihan ang mga bagay-bagay na nangyayari saatin.
Pero alam niyo bang ito ang daan upang tayo na naghahanap ng magandang bagay o pangyayari sa buhay ay makakita at malasap natin ang mga bagay na ito.
Bakit nga ba dinadaan tayo ng Dios sa kaniyang proseso?
Naalala ninyo ba ang mag-asawang Abraham at Sarah?
Sila ay dumaan sa matinding proseso ng Dios, na kahit sila ay mananampalataya ng Dios, ay dumating sila sa puntong gumawa ng kanilang sariling hakbang upang ang "hayagang" plano ng Dios sa kanila ay makapangyari.
"Hayagang plano" ibig sabihin, ito ay alam na alam nilang dalawa. Sinabi mismo ng Dios sa kanila.
Ngunit sila ay nahatid parin na hanapin ang solution na gusto nilang mangyari sa kanilang buhay kahit alam na nila na ang mga bagay na ito ay kayang gawin ng Dios sa kanila.
Dahil pinagpilitan nila na mangyari ang pangako ng Dios sa kanila AGAD, ito ay ang pagkakaroon ng sariling anak. They ended up in making the worst mistake in their lives.
Tayo ay nasa ganoong posisyon ng ating buhay. WE MAKE OWN OWN PLAN AND IN THE END, WE DO THINGS WORST IN THE SIGHT OF GOD.
Kahit ayaw nating dumaan sa proseo ng Dios dahil ito ay matagal na hirap, sakit, at hindi natin maunawaan. May tiyak na dahilan ang Dios kung bakit nais ng Dios ikaw ay dumaan dito.
Una, Gusto ng Dios na magtiwaka ka sa Kaniya ng buong puso, kaluluwa pagiisip at ng buong lakas.
Pangalawa, Gusto ng Dios na baguhin ka
Pangatlo, Gusto ng Dios na matutu kang maghintay.
Pang-apat, Gusto ng Dios na ikaw ay maging tapat.
Pang-lima, Gusto ng Dios na matutu kang sumunod sa panuntunan Niya.
Isa isahin natin ang limang (5) dahilan kung bakit gusto ng Dios na dumaan ka sa Kaniyang proseso:
GUSTO NG DIYOS NA MAGTIWALA KA SA KANIYA NG BUONG PUSO, KALULUWA, PAGIISIP, AT NG BUONG LAKAS.
Kawikaan 3:5 Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:
Ang salitang 'puso' sa talatang ito ay hindi lamang nagpapatungkol sa puso kundi ito ay nangangahulugan ng kalooban, puso, pagiisip, at lahat ng bumubuo sa pagkatao ng tao.
Pag ang usapan ay patungkol sa proseso ng Dios na mahirap, masakit, at di maintindihan, ang PAGTITIWALA SA DIYOS ay isang malaking kwestiyon o tanong para saating lahat na mga Kristiyano. (Hindi dahil 'hindi' ako nagtitiwala sa Dios bagkus ito ang madalas at pangunahing tinitira saatin sa oras na tayo ay nasa sakit, mahirap, at hindi maunawaan na kalagayan.)
Ang pagtitiwala sa kawikaan 3:5 ay isang pagpapahayag ng iyong pananamapalataya at pag-ibig sa Dios na iyong nakikilala.
Hindi ka maaaring sumamapalataya at umibig nang isang daang persiyento (100%) sa sinoman na hindi mo kilala, tama ba? Kahit si Pablo ay nagtanong ng ganito sa mga taga-Roma, ROMA 10:14 ... at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan ?... <paano sila magtitiwala sa Dios, na hindi nila kilala?>
Kahit tayo ay mayroon tinuturo sa mga masbata sa atin patungkol sa pakikipag-usap sa sinomang hindi kilala, "Don't talk to stranger". Dahilan ng marami ay hindi madaling pagkatiwalaan ang mga hindi kilala.
Ngunit ikaw na Kristiyano, gaano mo kakilala ang Dios? Kilalang-kilala?
Madaling sabihin na kilala mo ang Dios at madali ring sabihin na dahil kilala mo ang Dios ay nagtitiwala ka sa Dios, lalo na kapag maganda ang iyong nararanasan madaling sabihin ang mga ito.
Ngunit paano kung nasa hindi ka mabuting kalagayan? masasabi mo parin bang pinagtitiwalaan mo ang Diyos without second thought o pagaalingan?
TRUTH: Sa katotohanan madali para saatin ang magtiwala sa Dios in good times, pero kapag di na mabuti ang nararanasan natin, mahirap para saatin ang alalahanin ang mabuting gawa ng Dios at magtiwala sa Kaniya.
Marami pa nga ang nahahatid upang sumpain, sisihin, at talikuran ang Dios. Kaya naman, marami saatin ang gumagawa ng sariling hakbang para hindi gawin ang kalooban ng Dios st dumaan sa Kaniyang proseso.
Sa bagay na ito tayo ay umaalis sa proseso ng Dios sa buhay natin. We want our own plan and process because we think it is the best way.
Gayon pa man, ang Biblia ay nagtuturo ng buong pagtitiwala sa Dios ng buong puso tulad ng sa Kawikaan 3:5 BUT STILL WE ARE FAILED TO TRUST THE LORD WITH ALL OUR HEARTS, SOUL, MIND, AND STREGTH.
SA PAANONG PARAAN?
Aminin man natin o hindi tayo ay tulad nila Abraham at Sarah, alam at kilala natin kung sino ang nangako ngunit lumilipas ang araw at panahon sa paghihintay na mangyari saatin ang bagay-bagay, we make our own.
Nahahatid tayo na mabawasan at mawala ng tiwala sa Dios.
Bakit? Naiinip at Napapagod tayo. This is the main reason, why we failed to trust the Lord, hindi dahil sa mga nangyayari sa buhay natin na mahirap, masakit at hindi natin maunawaan bagus tayo ay naiinip at napapagod.
Naiinip? Naiinip na sa paghihintay na mangyari saatin ang mga ipinangako ng Dios. Napapagod? Napapagod sa pakikipaglaban para makapanatili sa proseso ng Dios.
Sino sainyo ang nakapaghintay na? sa sinoman o anoman?
Hindi ba't nakakainip at nakakapagod maghintay? kaya sometimes ang ending, umaalis tayo sa lugar na ating pinaghihintayan at sasabihin natin sa kausap natin, "sabihan mo na lang ako kapag andito ka na, may pupuntahan lang ako saglit." and we go back when everythinng is okay. kapag andoon na yung hinihintay mo!
Spiritually speaking, hindi tayo umaalis sa proseso ng Dios bagkus maslalo nating pinahihirapan ang ating mga sarili sa pananatili sa proseso ng Dios habang hindi tayo nagtitiwala sa Dios.
TANDAA: ANG PAGKAWALA NG TIWALA SA DIOS AY PAGDATING NG KABALISAHAN, TAKOT, PANGAMBA, AT KAWALANG PANANAMPALATAYA.
We welcome bad spirits and negative thoughts that come from the devil. Ito ang nangyari kay Sarah when she gave Hagar to Abraham to be his wife.
Ito ba ang gusto mong mangyari saiyo? Wag na wang mangyari!
Kaya ano ang dapat nating gawin? MAGTIWALA SA PROSESO NG DIYOS NG BUONG PUSO, KALULUWA, PAGIISIP, AT NG BUONG LAKAS.
SA PAANONG PARAAN MASASABI NATING TAYO AY NAGTITIWALA SA DIOS?
1. KUNG TAYO AY HINDI NANALIG SA ATING SARILING KAUNAWAAN.
Kawikaan 3:5 "at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:"
Sa English: "...Lean not unto thine own understanding." Ang salitang "lean" ay nangangahulugang: to support one's self; rest, stay, rely, lean, and lieth.
Ang Salita ng Dios ay nagtuturo saatin na tayo ay huwag manalig o magtiwala sa ating sariling karunungan? Bakit? dahil ANG TAO AY NATURAL NANG NAGKAKAMALI. No one is perfect! We are not YET perfect.
Pangalawa, LIMITADO ANG ATING KAUNAWAAN.
Kung tayo ay magtitiwala o mananalig sa ating karunungan tiyak na tayo ay magkakamali sa hindi pagkaunawa ng mga bagay na nangyayari saatin.
2. KUNG LAHAT NG ATING PLANO O LAYUNIN AY ATING IPINAGKAKATIWALA SA DIOS NANG HINDI NA NATIN ITO CHINE-CHECK O TINATIGNAN PA ULIT.
Psalms 37:5 "Commit thy way unto the Lord; trust also in him; and he shall bring it to pass."
Ang salitang "Commit" dito ay nangangahulugan ng to trust (magtiwala) and remove (alisin)
TANDAAN: ANOMANG IPINAGKATIWALA MO SA DIOS, AY INALIS MO NA SA IYONG MGA KAMAY KAYA WALA KA NG KAPANGYARIHAN PA DITO. - tinatanggal mo na sayo, inaalis m na sayo dahil ipinagkatiwala mo na sa Dios.
Kung talagang nagtitiwala tayo sa Dios, we don't need to check ang mga bagay na ating ipinagkatiwala na sa Kniya, dahil tayo ay sumasampalataya na ang Dios ay may gagawin at gunagawa Niya anglahat ng Kaniyang ipinalano Niya para saatin.
TANDAAN: LAHAT NG IYONG IPINAGKATIWALA NA SA DIOS, SIYA NA ANG MAY KAPANGYARIHAN PARA GAWIN ANG MGA BAGAY NA ITO.
Mga Minamahal,
Ito ang araw na ating ipagkatiwala ang ating buhay sa proseso ng Dios.
Kung ikaw ay sumasamapalataya na si Jesus na Siyang Cristo ang hari at taga-pagligtas ng iyong buhay, hindi ako, hindi ikaw o sinoman ang nakakatanda saiyo ang may hawak pa ng iyong buhay kundi ang Dios at Siya lamang ang may kakayahan upang komtrolin ang buhay mo.
Sumampalataya at magtiwala sa proseso ng Dios, sapagkat Siya ay may ginagawa at gagawin sa buhay mo.
Pananalanginpara sa mga kapatid,
Aming Dios na buhay sa pangalan ng Panginoon Hesus, ako ay nagpapasalamat sa Iyo sa lahat ng iyong kabutihan para sa amin.
Naririto, aking inilalagay ang buhay ng aking mga kaptid kay Cristo sa Iyong kamay, sila ay Iyong ingatan, ibigin, at patotohanan ng Iyong kapangyarihan sa mga huling araw.
Maraming salamat sa Iyo Ama, sa Iyo Aming Panginoong Hesus, at sa Iyo aming Dios Banal na Espiritu. Sa tanging pangalan ng Panginoong Hesus, Amen.
0 Comments