Maraming mga magulang sa panahon na ito ay labis na nagmamahal sa kanilang mga anak.
Lalo na kung ito ay tunay na may mga natatanging katangian. Kung ito ay maganda o guwapo, isang matalinong bata, may malusog na pangangatawan. Ang isang magulang ay tunay na mabibigy ng atensyon sa kaniyang anak.
Kaya may nagsasabi na meron daw favoritism ang kanilang mga magulang. Marahil sa natural ganoon lang talaga ang pananaw ng tao, pero sa mga magulang may kanya kanya lang na pagpapakita ng pagmamahal sa bawat anak.
I.
MGA
PANGYAYARI SA ANAK NI DAVID
Ang pag-aaralan natin ay ang pangyayari sa Biblia patungkol kay David, ang pagmamahal niya sa kaniyang mga anak.
Si Amnon ay anak ni Haring David na
panganay, na nagkaroon ng masidhing pag ibig sa kanyang kapatid na si Thamar,
Siya ay anak ni David kay Ahinoam na taga Jezreel, Si Thamar naman ay kapatid
ni Absalom, ang kanilang ina ay si Maacha, sa mga anak na ito lamang ni David natin
ituon ang ating pag aaral sa araw na ito, mababasa natin ang pangyayari sa:
2 Samuel
13:1 At
nangyari, pagkatapos nito, na si Absalom na anak ni David ay mayroong isang
kapatid na babae na maganda, na ang pangala'y Thamar; at sininta siya ni Amnon
na anak ni David.2 At
si Amnon ay totoong nagdamdam, na anopa't siya'y nagkasakit dahil sa kaniyang
kapatid na kay Thamar; sapagka't siya'y dalaga; at inaakala ni Amnon na mahirap
gawan siya ng anomang bagay.
Si Thamar ay isang magandang babae na kapatid ni Absalom na anak din ng kanyang Amang si Haring David.
Sa nabasa nga nating talata, Sa sobrang pagsinta ni
Amnon sa kanyang kapatid siya ay lubhang nagdamdam at nagkasakit.
1. TANDAAN: Ang nagdamdam dito ay nangangahulugan ng—sobrang pagkabalisa.
2. At ang nagkasakit naman dito ay lubhang nakaramdam ng pagdadalamhati, naging mahina.
Sa Sa panahong ito ay hindi makakain, hindi makatulog si Ammon, at ang kanyang sinisinta na lamang ang laging nasa kanyang isipan
2 Samuel
13:8-14. 8 Sa
gayo'y naparoon si Thamar sa bahay ng kaniyang kapatid na si Amnon; at siya'y
nakahiga. At siya'y kumuha ng isang masa, at minasa, at ginawang mga binilong
tinapay sa kaniyang paningin, at niluto na mga munting tinapay.9 At
kinuha niya ang kawali, at mga ibinuhos sa harap niya; nguni't kaniyang
tinanggihang kanin. At sinabi ni Amnon: Palabasin ang lahat na tao sa harap ko.
At silang lahat ay lumabas, bawa't isa mula sa harap niya.10 At
sinabi ni Amnon kay Thamar: Dalhin mo rito sa silid ang pagkain, upang aking
makain sa iyong kamay. At kinuha ni Thamar ang mga munting tinapay na kaniyang
ginawa, at mga dinala sa silid kay Amnon na kaniyang kapatid.11 At
nang ilapit niya sa kaniya upang kanin, kaniyang tinangnan siya, at sinabi niya
sa kaniya, Halika, sumiping ka sa akin, kapatid ko.12 At
sumagot siya sa kaniya, Huwag kapatid ko, huwag mo akong dahasin; sapagka't
hindi marapat gawin sa Israel ang ganyang bagay: huwag kang gumawa ng ganitong
kaululan.13 At
ako, saan ko dadalhin ang aking hiya? at tungkol sa iyo, ikaw ay magiging gaya
ng isa sa mga mangmang sa Israel. Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, magsalita ka
sa hari, sapagka't hindi ipagkakait ako sa iyo.14 Gayon ma'y hindi
niya dininig ang kaniyang tinig: kundi palibhasa't siya'y malakas kay sa
kaniya, dinahas niya siya, at sumiping sa kaniya.
Sa
nakapangyaring iyon lubhang ikinagalit ni Absalom at ni Haring David ang
ginawang kasalanan ni Amnon at ito ay mababasa natin sa
2Sam
13:20-22.
Sa pangyayari sa mga talatang ito ang lubhang pagdaramdam ni Tamar sa nangyari sa kanya. Noong una inaalo pa ni Absalom ang kanyang kapatid sa kanyang sinapit, dahil nga sa magkapatid naman sila parang gusto ni Absalom na patawarin na lang ito dahil ito ay kapatid nila. Dahil sa ginawa ni Amnon na panghahalay sa kanyang kapatid na si Thamar, ngunit ng makita nya na ito ay lubhang nagdulot kay Thamar ng kapighatian sabi sa English version
2Sam
13:20-So Tamar remained desolate
in her brother Absalom's house.
Desolate (de-ze-let) means here—very sad and lonely, to devastated, show horror, to cause oneself ruin—(SOBRANG LUNGKOT, GANAP NA SIRA, NANGINGINIG SA TAKOT, PAGKAWASAK)
Ito’y maihahalintulad sa sobrang pagkapahiya, sobrang pagkawasak, sobrang kalungkutan lahat na siguro ng sobra ay nararamdaman ni Thamar na kulang na lamang na kitilin o siya ay magpakamatay na lamang sa mga oras na iyon.
2Sam 13:21 But when king David heard of all these things, he was very wroth. Wroth means here--to be hot, furious, burn, become angry, be kindled(Napopoot, nag-init, galit nag alit, nagniningas, papagsiklabin
II. NARAMDAMAN NI DAVID SA MGA PANGYAYARI
- Si David ay nagalit- nang malaman niya ang ginawa ni Amnon na panghahalay sa kaniyang anak na si Thamar
2Sam 13:21 But when king David heard of all these things, he was very wroth. Wroth means here--to be hot, furious, burn, become angry, be kindled(Napopoot, nag-init, galit nag alit, nagniningas, papagsiklabin
Si David ay totoong napoot sa kanyang anak na si Amnon. Ngunit sa kabila ng pagkagalit ni David sa kanyang anak ay wala itong ginawang aksyon sa ginawang kasalanan ni Amnon. Dahil sa walang ginawa si David sa kanyang anak na si Amnon si Absalom ang naghiganti para sa kaniyang kapatid na si Tamar dahil sa ginawa niyang pagpatay siya ay tumakas upang makatakas din naman sa galit ng kaniyang ama na si David.
- Si David ay nalumbay- Nang malaman ni David na ang kaniyang anak na si Amnon ay pinatay siya ay lubhang nalumbay
2 Samuel 13:31 Nang magkagayo'y bumangon ang hari at hinapak ang kaniyang
mga suot, at humiga sa lupa; at lahat niyang mga lingkod ay nakatayo sa palibot
na hapak ang kanilang mga suot.
3.
Si David
ay tumangis at nagluksa-
2 Samuel 13:36 At nangyari pagkatapos niyang makapagsalita, na, narito, ang mga anak ng hari ay nagsidating, at inilakas ang kanilang tinig at nagsiiyak: at ang hari naman at ang lahat niyang mga lingkod ay nagsiiyak na mainam.
37 Nguni't tumakas si Absalom at naparoon kay Talmai na anak ni Amiud na hari sa Gessur. At tinangisan ni David ang kaniyang anak araw araw.
Gaano kahirap sa isang magulang ang namatayan ng anak na si Amnon at pati ang paglisan ni Absalom sa kanyang lupain, ang naranasan ni David dito ay lubhang kabigatan sa puso, ang panganay niyang anak ay namatay at ang isa naman ay nagtatago dahil sa kasalanang pagpatay.
- Si David ay nangulila kay Absalom
Nakita ng
kaniyang lingkod na siya ay lubhang malungkot dahil wala si Absalom kaya may
gumawa ng paraan upang makabalik si Absalom sa Jerusalem.
2 Sam 14:21 At sinabi ng hari kay Joab, Narito, ngayon, aking ginawa ang
bagay na ito: yumaon ka nga, dalhin mo rito uli ang binatang si Absalom.
2 Sam 14:24 At sinabi ng hari, Bumalik siya sa kaniyang sariling bahay, nguni't huwag makita ang aking mukha. Sa gayo'y bumalik si Absalom sa kaniyang sariling bahay, at hindi nakita ang mukha ng hari.
2 Sam 14:33 Sa gayo'y naparoon si Joab sa hari at isinaysay sa kaniya: at nang kaniyang matawag na si Absalom, siya'y naparoon sa hari, at nagpatirapa sa lupa sa harap ng hari; at hinagkan ng hari si Absalom.
Lubhang namiss ng hari ang kanyang anak. Dahil nga sa siya na ang pinakamatandang anak ni Haring David.
Dahil din sa kanyang (Absalom) kakisigan at kagandang anyo marami ang nagsisilapit sa kanya upang makapagpadala ng kanilang problema, nang una nagnais lamang siya na maging Hukom, ngunit ng lumaon siya naghangad na ng trono o paghahari.
Dahil sa lubhang pagnanasa niya ng kapangyarihan marami siyang tao na nakuha o umanib sa kanya.
TANDAAN: Ang meaning ng kanyang pangalan ay PEACEFUL mula ng siya ay nagkasala nag iba na ang puso ni Absalom, Naging mapagmataas na siya, nang marami ang sa kanya ay nagsisilapit ang nais niya ay iluklok ang kanyang sarili bilang hari.
- Si David ay nagpaubaya sa kaniyang anak na si Absalom-
Bilang isang ama na mapagmahal si Haring David ay nag paubaya sa kanyang anak na si Absalom sa paghihimagsik laban sa kanya. Marami ang nagiging sulsol o nagbibigay ng mga masasamang mga payo kay Absalom upang mas lalong mag alsa sa kanyang Ama, kaya’t ang kanyang kasamaan ay lalong nakapangyari sa kanya, maging ang pagsiping sa mga asawa ng kanyang ama ay kanyang ginawa. Hanggang sa siya ay mapatay ng tauhan ni Haring David. Mababasa natin sa:
2 Sam 18:33 At ang hari ay nagulumihanan, at sumampa sa silid na nasa ibabaw ng pintuang bayan, at umiyak: at habang siya'y yumayaon, ganito ang sinasabi niya, Oh anak kong Absalom, anak ko, anak kong Absalom! Mano nawa'y ako ang namatay na kahalili mo, Oh Absalom, anak ko, anak ko! 19:1 At nasaysay kay Joab; narito, ang hari ay tumatangis at namamanglaw dahil kay Absalom.
ESPIRITUAL NA APPLIKASYON
I.
ANG PAMAMAHAL NG AMA
Sa
natural na buhay gaano kahirap sa mga magulang o ama ang hindi pagkakasundo ng
kanyang mga anak.
Tunay
na sa kabila ng mga pakukulang ng mga anak sa kanilang mga magulang, ang
pagmamahal pa rin ng mga magulang o ama ay hindi nagbabago. Gaano man kasama
ang iyong mga anak, kapag sila ay nagbalik loob o humingi ng tawad sa iyo, ito
ay iyong patatawarin.
Kung paano sa natural na magulang o ama, na ibibigay kung ano ang ikasisiya ng kanyang mga anak, Kahit pagod na hindi pa rin titigil sa pag-aalaga at pag-aaruga sa mga anak. Kung ano ang makakabuti yon lamang ang kanyang gagawin. Pag-aaralin sa maayos na paaralan, ibibigay ang pinaka mabuti para sa kanyang mga anak.
II. ANG PAGMAMAHAL NG ANG AMA NA NASA LANGIT
Ang pamamahal ng ating Ama sa Langit sabi nga: Juan 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ang ating Diyos Ama ay ibinigay ang pinaka masakit na sakripisyo, upang ang mga tao lamang ay maligtas. Ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang tayo ay makaranas na tunay na kaligtasan. Kung paano din siya muling magpatawad sa mga taong magsisibalik sa Kanya.
1. Ang Ama kapag nakakagawa ng hindi tama ang mga anak
ay nagagalit o sinasaway din naman at kaniyang itinatama, kaya nga may mababasa
tayo sa salita ng Dios
Kawikaan 2:12 Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.
2. Ang Ama ay nalulumbay at nangungulila din naman
kung ang anak ay mawawalay sa kaniya.
3. Ang Ama ay tumatangis at nagluluksa sa oras na
ang anak ay mawala o mamatay lalo na kung ito ay hindi nakakapanumbalik pa sa
kanya.
4. Ang Ama ay lubos na nagpapaubaya kung ano ang
gusto ng anak na mga desisyon nila.
CONCLUSION:
Kung
paano ang natural na pagmamahal ng isang ama sa kanyang mga anak, mas higit ang
pagmamahal na kayang ibigay sa atin ng ating Ama sa langit. Kung gaanong
sakripisyo ang ginagawa sa atin ng ating mga ama, mas doble pa ang binibigay na
pagsasakripisyo ng ating Ama sa langit. Pakanasain lamang natin na sundin ang
kanyang mga ipinag uutos sa atin, Tayo ay maging masunurin at gawin ang kalooban ng Ama dahil kung tayo ay tunay na nagmamahal sa
ating ama, gayon din natin dapat mas mahalin, pahalagahan at paglingkuran ang ating Ama sa
Langit.
TO
GOD BE THE GLORY!
0 Comments