Have a day with the Lord.

Ang mga tao sa mundo ngayon ay masyadong mga busy sa mga bagay na kanilang mga pinagkakaabalahan pangunahin na ang kanilang mga ikabubuhay. 

Kahit anong antas ng buhay ng tao sa ngayon ay makikita mong masyadong balisa sa bawat pagkita ng pera.

Ang mayayaman mas higit pang gustong dumami ang kanilang pera at mas higit na yumaman, maging ang mahirap ay gayon din ang kanilang hinahanap sa mga araw na ito. Gaya nga sa talatang ating pag-aaralan.........

Sa mga huling araw…

Kapag narinig mo na ang salitang ito ano ang laging malalagay sa iyong isipan? Ang mga Kristiano lang yata ang tunay na nakakaunawa ng mga salitang ito ng Dios, dahil kung alam nga nila, siguradong hindi nila uubusin ang kanilang mga panahon at buhay sa walang kabuluhang pagnanasa.

 2 PEDRO 3:3 Na maalaman muna ito, na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita,

2 Peter 3:3 Knowing this first, that there shall come in the last days scoffers, walking after their own lusts,

 I.       LUST - meaning A Longing (especially for what is forbidden) pananabik sa mga bagay na masasama o mga bawal. Concupiscence desire lust (worldly desire)- kamunduhang pagnanasa. Greed - kasakiman. Gluttony - katakawan. Lavisciousness.

II.    Iba’t ibang kahulugan ng LUST:

Makikita mo na talaga ang kalapitan ng mga araw dahil marami kang mga bagay na ngayon lang naman nagsisipag labasan ating iisa - isahin ang bawat bagay na patungkol sa Lust.

 A Longing especially for what is forbidden- pananabik sa mga bagay na masasama o mga bawal- mga bagay na ipinagbabawal o alam naman na masama o kasalanan, bakit pinanabikan ng mga tao dahil nga tayo ay nasa mga huling araw na.

John 8:44 Ye are of your father the devil, and the LUSTS of your father ye will do. He was a murderer from the beginning, and abode not in the truth, because there is no truth in him. When he speaketh a lie, he speaketh of his own: for he is a liar, and the father of it.

Malaman natin na ang kahulugan ng salitang LUST  ay pawang mga masasama na makita natin na ang ama nito ay ang diablo. Ang bawat masasamang gawa ay ipinagagawa at kalooban ng diablo na gawin ng mga tao.

Galacia 5:19 At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, 20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, 21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.

1. MAPAKIAPID/MAPANGALUNYA-  Marami na ang nahahatid sa mga bagay na ito, makita natin na wala ng takot ang mga tao sa paggawa ng mga bagay na ito dahil sa marami na ang gumagawa. 

Lukas 16:18 Ang bawa't lalaki na inihihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya.

2. KABAKLAAN/KATOMBOYAN- Noong bata kami kapag may mga bakla/tomboy, hindi lantaran ang pagpapakilala. Hindi sila kumikilos ng gaya ng sa mga babae, bagkus gusto lamang nila ng mga laruang pangbabae at marahil mga damit pangbabae, pero hindi ganoon kabulgar. Ngunit sa araw na ito lantaran ang pakikipag relasyon ng mga lalaki sa kapwa lalaki, babae sa kapwa babae at ito ay tanggap na tanggap na ng lipunan sa ngayon. Ang pinakamasakit pang malaman ay pinapalitan nila ang mga bagay na nilikha ng Dios para sa kanila. Ginagawa pa nilang legal (daw) ang pagsasama sa pamamagitan ng pagpapakasal. Ang ginawa ng Dios na lalaki at babae ang may karapatan na magpakasal upang bumuo ng pamilya, upang sila ay dumami sa pamamagitan ng panganganak ng babae. 

Lev 18:22 Huwag kang sisiping sa lalake ng gaya sa babae: karumaldumal nga.

Lev 20:13 At kung ang isang lalake ay sumiping sa kapuwa lalake, na gaya ng pagsiping sa babae: ay kapuwa sila nagkasala ng karumaldumal: sila'y papatayin na walang pagsala: mabububo ang kanilang dugo sa kanila.

3. GLUTTON- KATAKAWAN, MASAKIM

a)      KATAKAWAN- Dati ang alam ko lang na unlimited na libre ay ang IceTea bottomless ngunit habang ako’y nagkakaedad, nauso ang mga salitang UNLI,  nag umpisa ito sa Unli sabaw, Unli rice, Unli wings Hanggang sa dumating ang mga Eat all you can at Drink all you can na. Tunay  na ang mga tao ngayon ay tinuturuang magpakatakaw, dahil magagawa nila iyon dahil sa perang binabayad nila. Upang masulit ang kanilang mga binayad kahit sobrang busog na nila dahil minsan lang at malaking halaga ang kanilang binayad ito ay kanilang susulitin hanggang sa dumating na sila sa pagkatakaw.

b)      KASAKIMAN- Kapag nabigyan na natin ng daan ng katakawan tayo ay mahahatid na sa pagiging sakim, dahil mas gugustuhin natin na sarilihin na lamang ang bawat iyong tinatamasa. Hindi mo na makikita ang pangangailangan ng ibang mga tao na nasa paligid mo. Mas higit mong ninanasa na ikaw ay magkamal pa ng magkamal ng pera.

c)      MAKASARILI- Ito ay mahahatid ka na sa pag-ibig sa iyong sarili. Kaya nauso rin ang salitang SELFIE dahil ang gusto mo ay lagi kang una sa lahat ng bagay, hanggang mag nasa ka na ng mga bagay sa sanlibutang ito, Ang iyong focus ay wala na sa mga bagay ng  Dios kungdi ikaw ay magiging busy sa paghahanap buhay upang matugunan mo na ang iyong ninanasa. Magnanasa ka na ng WEALTH, POWER AND ACHIEVEMENTS. More more and more...

III.  RESULTA SA PAGNANASA SA MGA HULING ARAW

1)      Wala ka ng panahon sa Dios at mga bagay ng Dios, patuloy mo ng makakalimutan ang mga bagay Nya.

2)      Wala ka ng panahon upang makipag fellowship sa mga kapatid kay Kristo

3)      Wala ka na ring panahon upang magpagamit sa Dios dahil iba na ang iyong focus.

4)      Wala ka ng panahon maging sa pagbabasa ng salita ng Dios at pakikipag usap sa Dios.

Ang Panginoong Jesus ay nag iwan ng mga salita sa atin na huwag nating ibigin ang mga bagay ng sanlibutang ito maging ang pag ibig sa mga pita.

1 Juan 2:15 Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama. 16 Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.

IV. PAANO MAKAKALAYO SA MGA PITA NG LAMAN?

    1)      Upang tayo ay makalayo sa mga pita ng laman tayo ay lumakad sa Espiritu ng Dios

 Galicia 5:16 Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.

2)      Upang tayo ay makalayo sa pita ng laman iwasan natin ang magkasala, dahil kapag tayo’y nagkakasala ang diablo ay makakagawa sa ating buhay at magkakaroon siya ng pagkakataon na ipanasa sa atin ang ating sariling pita.

 Roma 6:12 Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang kayo'y magsisunod sa kaniyang mga pita:

 3)      Upang tayo ay makalayo sa pita ng laman- isakbat natin ang ating Panginoong Jesus sa ating mga buhay, isuot natin ang ating Panginoon sa ating mga buhay upang malayuan ang pita ng laman.  Gaya ng mga pang kagayakan ng Dios na dapat isuot sa oras ng pakikipaglaban. Gayon din ito dapat tayong nakasuot ng buong kagayakan ng Dios upang mapaglabanan ang pita ng laman.

 PUT YE ON- (isakbat) to invest with clothing Array clothe- iayos, itanghal,

 Roma 13:14 Kundi bagkus isakbat ninyo ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.

 4)      Upang tayo ay makalayo sa pita ng laman - dapat tayong mamuhay ng may buong kaayusan, marapat, mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito;

Titus 2:12 Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito;

 V.    KAPAG DI NAPAGLABANAN ANG PITA NG LAMAN ANO ANG KAHAHANTUNGAN:

 1.   Hahantong lamang sa kapahamakan at kamatayan ang bawat pag hahangad ng mga pita ng laman.

 Santiago 1:15 Kung magkagayo'y ang kahalayan, kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay namumunga ng kamatayan.

 VI.  KONKLUSION:

Sa mga huling araw na ito ay patuloy na pasama at pasama pa ang mundo, kaya tayo ay laging maging handa sa ating pakikipagbaka sa mga araw na ito. Ang diablo ay patuloy na magbibigay ng mga bagay na ating pakakanasain kaya dapat tayo’y magpakatalino sa kanyang mga lalang sa mga araw na ito, upang mapagtagumpayan natin ang mga bagay na masasama na huwag nating magawa. 

Ang pag pipigil sa sarili at patuloy na paglapit sa Dios ang ating gawin upang ang Kanyang Espiritu ang lagi nating makasama at maranasan hanggang sa muling pagbabalik ng ating Panginoong Jesus.

 SA DIOS ANG KAPURIHAN!!!