ANG PAGHIHINTAY


Ang paghihintay


Nasubukan mo na bang maghintay. Maraming mga tao ngayon ang may hinihintay sa kanilang mga buhay.
 
Ang mga kabataan, maaaring ang hinihintay nila ay ang kanilang pagtatapos sa kanilang pag-aaral at sila ay makapagtrabaho na.
 
Ang iba naman ay naghihintay ng kanilang mapapangasawa.
 
Ang buhay ng tao ay umiikot na lamang, sanggol, magiging bata mag aaral, magiging kabataan o sinasabing teen ager, mag aaral magtatapos, magtra trabaho at kapag kumikita na maghahanap ng karelasyon upang ipaghanda naman ang kanilang pagpapamilya. Magkaroon ng anak, sa kalaunan at tatanda at mag aalaga ng mga apo. Sa pananaw ng isang tao ganyan lamang ang makapangyayari sa buhay ng mga tao.
 
 
Ikaw ano o sino ang hinihintay mo sa panahong ito? Ano ang iyong ginagawa sa iyong paghihintay?
 
Roma 8:23 At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na mayroong mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga'y tayo nama'y nangagsisihibik din sa ating sarili, sa paghihintay ng pagkukupkop, na dili iba't, ang pagtubos sa ating katawan.
 
I.     Waiting- Paghihintay,  nag-aabang, nag-aantay
1.   To expect fully- Upang asahan nang lubusan
2.   Look for - Hanapin, Humanap, Umasa, Maghalungkat
3.   Hope - Pag-asa,
 
 
II.   Ano-ano ang hinihintay ng mga tao?
1.    Ang maraming mga tao ay naghihintay na sila ay magkaroon ng trabaho
2.    Ang iba naman hinihintay nila ang mga papeles nila upang sila ay makapangibang bansa.
3.    Ang iba ay naghihitay ng kung kailan sila mag-aasawa.
4.    Ang iba naman naghihintay ng kanilang pag reretiro.
5.    Ang iba ay naghihintay ng kanilang kagalingan sa kanilang mga sakit at karamdaman.
6.    Ang iba ay naghihintay ng kanilang mga pagtatapos sa pag-aaral
7.    Ang iba ay naghihintay na sila ay yumaman.
8.    Ang ilan ang kanilang hinihintay ay makamit ang kanilang mga pangarap.
 
At maraming ka pang malalaman kung magtatanong tanong ka kung ano ang hinihintay ng mga tao sa buong sanlibutang ito. Ang masakit na di marinig natin ay sino o ilan kaya ang naghihintay sa muling pagbabalik ng ating Panginoong Jesus

 
III.  Mga bagay na ginagawa ng isang tao na naghihintay:
 
1.    Sila na naghihintay na makatapos ng kanilang mga pag-aaral sila ay siguradong gumagawa ng lubusang pagsisikap na magawa ang kanilang mga dapat gawin. Gaya na lamang ng pag-aaral ng mabuti, pagpupuyat, pag pupursige na makapasok sa kanyang paaralan sa oras ng may mga pasok sila. Walang hahayaang mga sandali upang di makamit ang kanyang pagtatapos sa kanyang pag-aaral.
 
2.    Sila naman na nagnanais na magtrabaho wala rin silang sasayangin na mga panahon at oras upang sila ay makapag apply sa gusto nilang pagtra-trabahuhan. Maghahanap ng mga oportunidad kung saan ang mga naghahanap ng manggagawa. 
 
3.    Sila na gustong gumaling sa kanilang mga sakit at karamdaman, maaaring hindi rin sila naghihintay na sila ay mamatay na lamang kundi sila ay gagawa ng paraan. Pupunta sa dalubhasang mga manggagamot, maaaring sila na may mga kakayahan sa buhay makikipagsapalaran pa sila sa ibang bansa upang sila ay lubusang gumaling sa kanilang mga karamdaman. Yong wala namang mga pera, sila rin naman ay gumagawa ng kanilang alam na paraan upang sila ay magsigaling. Tulad na lamang ng paglapit sa mga albolaryo o mga tao na sa tingin nila na ito ang makapag papagaling sa kanila.
 
4.    Sila na naghihintay na yumaman, hindi rin sila mananatili na walang ginagawa, maaaring ang gabi ay ginagawa nilang umaga upang matapos nila ang kanilang mga trabaho. Nauubos ang kanilang mga oras at panahon upang kumita ng kumita ng pera. Maaaring nakakalimutan na nila ang iba nilang mga obligasyon upang makamit lamang nila ang kanilang pinapangarap na yumaman.
 
Sa maraming halimbawa na ating mga pinag-aralan tunay na hindi lamang sila walang ginagawa sa kanilang paghihintay kungdi ang bawat isa sa kanila ay tunay na may ginagawa sa bawat paghihintay nila.
 
Roma 8:23 At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na mayroong mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga'y tayo nama'y nangagsisihibik din sa ating sarili, sa paghihintay ng pagkukupkop, na dili iba't, ang pagtubos sa ating katawan


 
IV. Espiritual na Applikasyon
 
Sa texto na ating pinag- aaralan iba ang paghihintay na ginagawa dito hindi mga bagay ng sanlibutang ito kundi pang kabilang buhay na paghihintay.

Sa ating texto na pinag aaralan may paghihintay  nagaganap ito ay ang pagkukupkop. Ano nga ba ang pagkukubkob na sinasabi dito, ito ay ang pangyayari na ang bawat mananampalataya ng Dios ay aariin niyang maging mga anak.
 
Ang bawat Kristiano na naghihintay sa Panginoong Jesus ay magiging anak ng Dios.
 
 
V.   Ano- ano ang dapat gawin sa naghihintay sa Panginoon?
 
Sa natural na paghihintay, may ginagawa ang bawat tao sa kanilang paghihintay gayon din naman ang paghihintay sa ating Panginoong Jesus:
 
1.    Sa ating paghihintay tayo ay dapat magsipanalangin- sabi po sa talata tayo nama'y nangagsisihibik.
 
Ang ibig sabihin ng mangagsisihibik - pananalangin ng may pagdadalamhati, kalungkutan, daing.  Ang pananalangin ito ay yong lubhang nangangailangan tayo ng tunay na humihingi ng tulong, awa at biyaya sa Dios. Panalangin na tayo ay nananabik na may mabuti siyang gagawin sa atin at maging sa ating buhay.
 
2.    Sa ating paghihintay tayo ay dapat ay may patitiyaga, pagtitiis- ang pagtitiyaga o pagtitiis ating gagawin kahit mahadlangan pa tayo ng anumang mga pagsubok sa buhay o mga bagay na maaring makapangyari sa atin tayo ay mananatili pa ring maghihintay sa gagawin ng Dios sa atin.
 
Roma 8:25 Datapuwa't kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo'y hinihintay nating may pagtitiis.
 
3.    Sa ating paghihintay tayo ay magkaroon ng pag-asa-- sa ating pag asa na tayo ay tiwala na sa ating ginagawa ay tunay na makapangyayari ang ating inaasahan.
 
Galatian 5:5 Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay naghihintay ng pangako ng katuwiran.
 
 
VI.  Ano ang makapangyayari kung tayo ay maghihintay sa Panginoon.
 
1.    Tayo ay hindi na hahatulan ng Dios dahil sa ating paghihintay sa Kanya. Magagawa nating makalakad sa pamamagitan ng ating espiritu. Kung tunay na naghihintay sa Panginoong ang tao ay gagawa ng tunay na bagay na nakalulugod sa Dios. Ibababad niya ang kaniyang sarili sa mga Gawain ng Dios, mga bagay ng Dios at ang Dios ang laging pangunahin sa kanyang buhay.
2.    Sa ating ating paghihintay sa Panginoon patuloy tayong lilinisin ng Dios, tayo ay patuloy na magiging malaya sa bawat bagay na sa atin ay umaalipin dahil tayo ay makapagfo focus na sa kanya.
 
3.    Sa ating paghihintay sa Panginoon mas higit nating titingnan ang mga bagay na nasa itaas na kinaroroonan ni Kristo at hindi na tayo mabubuhay sa ating mga laman at ni nanasain pa ang bawat bagay ng sanlibutang ito.
 
4.    Sa ating paghihintay sa Panginoon patuloy nating pakakanasain na patuloy nating makasama at makadaupang palad ang Dios
 
5.    Sa ating paghihintay sa Panginoon tayo ay makakalakad sa katuwiran ng Dios, tayo ay magpapakabanal sa mga araw na ipamumuhay natin dito sa lupa. At tayo ay nahahanda sa kanyang muling pagbabalik galing sa langit, ang ating mortal na mga katawan ay nahahandang mabago upang makasama Niya.
 
6.    Sa ating paghihintay sa Panginoon tayo ay makakatanggap ng kalayaan sa ating pagkakaalipin at mawawala ang ating mga takot kundi tayo ay kukubkubin ng Dios upang gawin Niyang tunay na anak. Tayo ay magiging tagapagmana na kasama ni Kristo na sabay na maluluwalhati.
 
7.    Sa ating paghihintay sa Panginoon, tayo ay maliligtas sa ating pag-asa at pagtitiwala na tayo ay tutubusin ang ating mga katawan.
 
 
VII.      Conclusion:
Tayo na mga mananampalataya ng ating Panginoong Jesus, patuloy natin Siyang hintayin na may ginagawa sa mga araw na ito, dahil hindi gusto ng Dios na tayong mga mananampalataya nya na maging tamad sa mga gawaing ipinagkatiwala niya sa atin. Patuloy tayong magpagamit sa pagwawagi ng kaluluwa dahil alam nating ang gusto ng Dios na ang mga tao ay maligtas din naman. Upang habang tayo ay naghihintay sa muling pagbabalik ng ating Panginoong Jesus ay masumpugan tayo na may ginagawa sa kanyang ubasan, upang tayo ay makaharap sa kanya na tunay na maging mang gagawang walang ikahihiya, kungdi tayo ay makarinig sa Kanya na mabuting lingkod, salamat sa pagtulong mo sa akin sa oras na ako ay wala dito sa lupa. Pakanasain nga po natin na tayo ay makasama sa Kanyang muling pag akyat sa langit. Nawa magawa natin ang kalooban ng Dios na ating gawin na may paghihintay na may pag-asa at pagtitiwala sa Kanya.
 
To God be the glory.

Post a Comment

0 Comments